Princess Calacala 

Hindi Ninyo Ako Tinulungan!

Ako'y nagtataka
Paano ka nakapapasa?
Walang dalang lapis at pantasa
Pluma mo pa'y walang tinta

Kwaderno'y iisa
Papel ri'y wala sa bulsa
Sa kamag-aral umaasa
Galit pa kapag hindi inuna

Akala nila'y sasapat
Sa utak nilang pahat
Kaya't sa karununga'y salat
Dahil inuuna ang pagkakalat

Hindi nahahabag sa magulang na napapagal
Pati salawal ay tinatanggal
Uuwi nang hinihingal
Kawawa naman si ina akala'y sa paaralan ka iniluwal

Pagsapit nang bigayan ng marka
Hayun ka't nakanganga
Lahat na'y sinisi sa marka
Sino ngayon ang may sala sa 'yong gradong uka-uka?

-------------

Peter Miranda

 Hawak ang layag
sa bangkang hindi umusad
bingi sa mundong mapagmatyag
sa bilis ng hangin, kilos kumupad.

paligid, tahimik.
sa ingay ng mga kulay at liwanag
ng mga isipang himbing na himbing
sa pangangarap sa mundong nabihag

tumayo, humayo, at nagdala
ng ilang bigat sa dibdib na punong-panlasa
ay mula sa madidilim na ilaw ng Hibla
ngayo'y nagpapasasa sa kanilang gantimpala.

--------------

Erin Villanueva Ragudo 

Oberdabakod, sabay sigaw, "YOLO!"
Di alintana mga gwardyang pumipito,
takbo kasama ang barkada sa dating tambayan,
"Apir!" sabay tawanan, isang masayang araw na naman.

"Dota? Bilyar? Inom? Ano?!"
Sigawan ng gusto at masaya silang nag-plano
Walang pinoproblema, nagdiriwang, parang pista!
Hindi nila pansin ang umuukilkil na konsensiya.

Ilang taon nakaraan, aba graduation na!
Silang magtotropa, saan na napunta?
Maglaro, maglibang, magliwaliw ay masarap!
Ngayon ang magandang kinabukasan ay mailap.

-----------------

RS Rory Ycong 

Pamagat: Nasaan ka Kabataan?

Bakit ang mga kabataan ngayon,
Hindi na sumasabay sa panahon?
Ang karunungang dapat iniipon,
Basta basta na lamang tinatapon!!

Nakakalungkot ang katotohanan
Na aking nasasaksihan;
Sa halip na libro't kwaderno,
Hawak nila'y alak at sigarilyo.

Kabataan, kailan ka magigising?
Hanggang kailan mo di papansinin?
Sa dakong huli, pagsisisihan mo pa rin,
Ang mga bagay na dapat ay iyong tatawirin.

[Hermano]

-------------

Aprille Celine Gelogo

 BAKIT, ANAK?

Anak, o, anak, bakit mo naman kami binigo?
Hanggang ngayon 'yan ang aming 'di mapagtanto.
Araw man o gabi, kami'y nagtatrabaho,
Upang ikaw ay mapag-aral hanggang kolehiyo.

Saan, o, saan ika'y naglamyerda?
Kung ika'y umuwi, aba'y umaga na.
Ang sabi mo'y may ginawa para sa eskwela,
"O, sige anak, ika'y magpahinga na."

Nang ang semestre ay natapos,
Mga marka mo'y naghihikahos.
Ang oras ba'y saan mo ibinuhos?
Pagod ba nami'y hindi pa lubos?

'Di pa ba sapat na hinahayaan kang tumoma,
Kasama ang iyong walanghiyang barkada?
Pagbubulakbol mo'y hinayaan lang nila,
Palibhasa sa kalokoha'y kasama rin sila!

Isama mo pa iyong hinayupak na nobyo,
Ngayon ko lang sasabihin, ANG KAKAPAL NG MGA MUKHA NYO!
'Di ka man lamang pinatapos ng kolehiyo,
Ikaw pala'y ipinapasok na sa kanyang kwarto!

Anak, o, anak, bakit mo naman kami binigo?
Ngayon kinabukasan mo'y di alam kung saan ang tungo.
Edukasyon ay ginawa mong isang laro,
Ngayon ang buhay mo'y nauwi sa gulo.

--------------

Seth Marfilla Camento 

Akala siguro'y maayos na ang lahat
Na papasok na ang mga kasuota'y plantsado
Ang almusal ay handa na kasama ang mainit
Na gatas o chocolate, na may kasamang pag-asa.

Pero minsan kaya'y ang mga kuwaderno
Nabubuklat o nababasa man lang kaya?
Nahihipo pa ba ang mga libro't mga sulatin,
At mga kaalaman pa ba ang naisusulat sa mga papel?

Nag babago, at mag babago pa ang panahon,
Pero ang oras ay tumatakbo, at hindi
Gaya ng mga dahon sa mga puno na kusa na lang
Lalaglag, dadapo sa balat ng lupa.

At sa pag lipas kaya ng mga minuto, oras, araw
Taon, dekada- ay magtatanong tayo
May natutunan kaya ako?
Sana'y hindi maulit ang kamalian ko,

Sa magiging mga anak ko.

------------------

Governor Ralph John Rafael 

Tila saranggolang di makalipad,
Bangkang papel na di makausad,
Walang pakialam sa hinaharap,
Tanging gusto'y magpasarap,

Nakapanghihinayang,
Ang bawat oras na sinasayang,
Di na mabilang,
Ang mga pagkakataong sana'y sinunggaban,

Paano na ang kinabukasan,
Kung ngayon palang isipan ay napuno na ng kamangmangan,
Walang puwang para sa kaalaman,
Pagkat puro bisyo't luho ang nalalaman,

----------------

Anna Krizel Nuezca 

Pamagat: Isa, Dalawa, Tatlo.. Anong Pipiliin Ko?

Business Administration o Nursing?
Accountant o Engineering?
Mga bigating kurso kung ituring.
Ano ang inyong pipiliin?
Sa pagnenegosyo at pagbibilang ng pera, handa ka ba?
Magaling ka bang mag-plano para kumita?
Kung hindi magisip-isip ka na.
Baka ang kursong iyong pinili, sayo ay hindi akma.
Nursing o Engineering.
Alin sa dalawa ang iyong pipiliin?
Kursong parehong mahal ang matrikula.
Baka naman winawaldas mo lang ang pera ng nanay mo sa bulsa.
Ang pag-aaral ay hindi basta-basta.
Hindi iyan madadaan sa ngiti at tawa.
Piliin mong mabuti ang gusto mong kurso.
Para pagdating ng araw, hindi ka kakamot-kamot sa ulo.

----------------

Lester Dean Relucio 

Ang Pag ibig ay Pakikibaka

Nalunod sa persepsyon na ang tunay na pag ibig ay dalisay
Silang nagbabahagi ng kwento't nobela ay hindi man lang makasakay
Sa realidad na ang Pag ibig ay isang pakikibaka, isang pag gunita
Kung saan ang Pag ibig ay magkabilaan, maraming muka

Silang di nakaranas ng hapdi at kirot ng pag ibig, ng pakikibaka
Silang walang alam sa kabulukan sa paligid at socio-ekonomiya
Binulag ang Pag asa sa Pag ibig na walang katapusan
Sa pagibig na hindi naman nila kayang patunayan


------------

Dennis Delfin Tamad
#YanTayoEh

Kanina pa nasasayang ang oras
Iniisip kung sino ang kasama mamaya, paglabas
Pero may gawain pang maiiwan
Babanggitin mo na naman, pangalan ni Batman

Pagiging produktibo'y nakakabagot
Kaya ikaw, eto naglibot
Hanggang sa dilim ka na inabot
Bago ka matulog, nakasimangot

Pero hindi ba't mas masarap sa pakiramdam?
Kapag wala ka ng gagawin kinabukasan
Aantayin mo pa bang madaliin ka?
Para matapos ang mga ipapasa

Ang palugit ng pasahan
Sinabi na dati, mga isang buwan
Pero ang araw ng paggawa
Isang gabi ang inilaan

------------------

Ranel Borja 

Ang grado

Mataas ang aking grado
kahit ako ay totoong gago
wala akong dalang kwaderno
tingin sa akin ay impyerno

Malakas ang kapit sa paaralan
magulang ko'y principal ang kaibigan
aking mga teacher ay nasa piyestahan
pag isinama ni mommy sa handaan

Ngunit wala man lang akong natutunan
sa aking utak na walang laman
ngunit ok lang kahit di mag-aral
ako naman ay anak mayaman

-------------

Comments/disqusion
No comments