Isinulat ni Christopher Breis
Isinukat ni Pagasa ang damit na galing sampayan. Umaasa siyang tuyo na ito mula sa kahapong nilabhan ito ng kanyang ina.
Napansin niyang gusot ito mula sa manggas hanggang sa laylayan. Wala ang kanyang tatay para umasikaso nito kayat naisip niyang iutos na lamang sa nakababatang kapatid.
Nadatnan niya itong nagwawalis sa kanilang harapan. Alam ni utoy na may iuutos na naman ang kanyang ate sa kanya kaya't agad siyang lumapit.
"Nalabhan na ito, paplantsahin mo na lang. Gamitin mo ang tirang baga at humiram ng plantsang de uling kila aling biray." Utos ni pagasa. Inabutan naman niya ng dalawang piso si utoy sa kamay kayat itoy agad na tumakbo para sundin ang utos.
Naupo muna siya saglit at kinuha ang salamin. Inayos ang mahabang buhok at naglagay ng mga kung anong mga pampaganda sa sarili. Pinagmasdan ang buo niyang katawan. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din siya kung bakit nagawa sa kanya ni Lucas iyon. Ang ipagpalit siya sa iba gayun namang maraming nagkakandarapa sa taglay niyang ganda.
Dulot ng lungkot at labis na hinagpis, naisip niyang magpakasaya muna mamayang gabi. Alam niyang hindi pa huli ang lahat. Niyaya siya ng kanyang kaibigan na dumayo mamaya sa sayawan na gagawin sa kabilang baranggay.
Takip ng postura ang balat, nasilaw ang marikit na mata ng dalaga sa ilaw na tumatama sa kanya. Rinig niya ang hiyawan ng mga nagsasayawang kabataan kasabay ng mga nakakaindak na tugtugan. Ibinulsa niya muna ang perang patagong kinuha niya sa pitaka ng kanyang ina na sanay pambili ng pagkain nila mamayang hapunan.
"Kanina ka pa ba diyan pagasa?" Sumulpot sa gilid niya ang kaibigang si Mariel. Tangan ang isang bote ng alak sa kamay nito.
Napansin naman ni Pagasa na parang iba ang kilos ng kanyang kaibigan nang gabing yun.
"Kakarating ko lang. Gusto kong malaman kung ano yang hawak mo?"
"Eto ba kamo? Halika't pumaroon tayo at ituturo ko sayo kung ano ito." Pagaaya ni Mariel.
Lumakad sila sa nagsisiksikang mga tao dahilan upang mahulog ang tinagong pera ni Pagasa.
"Ito ang makakatulong para mawala ng saglitan ang dinadala mo sa buhay. Eh dibat gusto mong makalimutan si Lucas?"
Nakatitig lang sa bote ng alak si Pagasa habang naiisip niya ang mga dalahin niya sa buhay. Ang kahirapan ng kaniyang pamilya at ang pagkabigo niya kay Lucas.
Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Pilit na iginagapang siyang pagaralin ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pamamasada ng kanyang tatay at paglalaba ng kanyang ina. Laging umaasa at nagtitiwala ang kanyang mga magulang na siya ang magaahon sa kanila sa hirap na dinadanas nila ngayon.
Dahil sa aya ng kaibigan, nilagok niya ang hawak na alak. Ramdam niya ang lamig na dumadaloy sa kanyang lalamunan. Sa unay di niya nagustuhan ang lasa ngunit sabi ni Mariel na mawawala din ang pait nito kaya ipagpaatuloy niya lamang daw.
Hanggang sa lumalim ang gabi at ramdam na ni Pagasa ang tama ng alak. Umiikot na ang paningin niya nang mga oras na yun. Napansin niyang wala na si Mariel sa tabi niya at wala na din siya sa kanyang sarili.
Nagsilapitan naman ang mga biinatang nagbayad kay Mariel kapalit ang masamang gagawin nila kay Pagasa.
Tuluyang naglaho ang lahat ng pangarap nang gabeng yun. At nawala na din ang pagasang inaasahan ng kanyang mga magulang.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Comments/disqusion
No comments