Topic: Anything you want to say to Marcelo's fans

Crispy Patata PG

Behold!
If thou wouldst read the foulness of this generation,
both the seasoned and the youth...
points their fingers unto that worthless fluke.
Thou blame the ignorant of thine ignorance,
Thou playeth a fool in a sensationalized charade!
Dost thou pridest thyself, that thou holy,
Thy pride had just turned into folly.
Why wouldst dare save literature...
Reckon,
When thou wouldst not tame thy tongue 
and speaketh gentle.
Thou saith youth has now become blinded ?
Aren't thou thyself, short-sighted?

Gaerl Ann Maurice

Open your eyes, don't squint
Our literature's dying, don't hastily print
Trying-hard stories with the same plot
That make our generation's intelligence clot
There is so much more to life than goose bumps on your skin and butterflies in your stomach
And before you know it, if you don't stop,
The good books will just stay still on your old rack



Aprille Celine Gelogo

Bakit tila ako'y naguguluhan?
Inyong pinapakita'y pawang kalandian,
Pagbukol ng tiyan, inyong kinahahatnan.

Sadya bang ang mga utak niyo'y nasa talampakan?
Ganun nga ba ang lagay o sadya lang talagang nabubulagan?
Tinatangkilik mga akdang walang kabuluhan,
O, kabataan ano ang inyong patutunguhan?

Kabataan, kayo ang pag-asa ng bayan,
Huwag nyo naman sana bigyan ng kabiguan...
Inyong mga magulang na sa inyo'y naglinang,
Para din naman sa inyong kinabukasan.


Pepe El Indio

Si Marcelo po ay hindi ko kilala,
Hanggang sa napanood ko kay Jessica,
Aba ang unggoy na’to sikat pala,
Dahil sa mga advise na narinig ko na sa iba. 

Sa National Bookstore aking nakita,
Libro niyang wag sanang kumita,
Kung ako’y mayaman aking papakyawin,
Gagawin kong effigy niya’t susunugin.

Paalala lamang po sa madla,
Sa kabataang sa kanya’y naniniwala,
Hinaharap mo’y mapapariwara,
Kung kalandian niya sa’yo mapupunla.

Muel

Tayong mga mapupusok na kabataan.
Pag-aaral dapat ang syang pinag-lalaanan. 
Hindi puro kalandian at kabalastugan.
Ang syang pinaghaharian.

Anong saysay ng pagka-relate nyo sa mga post nya.
Pati desisyon nyo inaasa nyo na?
Kesa kumikerengkeng kang hayop ka. 
Mag-aral ka muna ng may puhunan ka!

Edukasyon ang susi ng tagumpay.
Pero eto ka nakabukangkang ang puday.
Tapos mag popost ng walang forever.
Dahil nabiktima ng Pornever.

Tinatapos ko na ang p*t*ng tula ko.
Nawa'y naliwanagan sana ang mga isip nyo.
Kesa sinisisi ang pangulo at bulok na sistema ng gobyerno.
Maglingkod sa bayan at sumunod tayo sa batas ng ang bansa ay umasenso. 


Rommel Gadil

Kay lalim ng gabi, ako'y di mapakali. Pagkat naghihintay sa makatang tila mahusay. Kalimitang laman ng aming usapan, hanggang sa aming eskwela.

Ang idolo kong tinutukoy ay Marcelo Santos ang ngalan,
sa mga sosyal midya at maging sa pelikula namamayagpag ang kanyang karangalan.

Dahil tila mahusay at sanay, ninais kong sumubaybay.
Mga akda nya'y, pinagipunan mula sa baong bigay ni inay.

Payo't mga talinhaga akin naman talagang ginawa,
Nung una ako'y natuwa,
ngunit mukhang mali na ata.

Mga talatang mula sakanyang nailimbag ay kabisado ko na ata, Noli Me Tangere noo'y limot ko na rin ata.

Ang nais sabihin sa aking kapwa, ay ganito: Utak na inilagay sa itaas ay gamitin,
Wag hayaang huwad na literatura'y syang gumamit sa atin.

Ang ngalan ko'y KABATAAN nga pala, pag-asa ng aking inay at itay,
kinabukasan ng aking baya'y sa akin ay nakasalalay.


Erben Ü Ayon

ba't nga ba ganito, ako'y nalilito,
tama ba ang mga nababasa ko,
akala ko nagbibiro, sila pala ay seryoso.

ipinagtatanggol, ikatlong Marcelo.
sigurado ba kayo sa mga nababasa niyo?
O baka naman kayo ay niloloko.

sa mga sinasabi niya ika'y nadadala,
pero payo ng mga magulang mo binabale wala.
kalandian na lang ang lagi mong inuuna,
pag nabuntis kay Nanay parin pupunta.

mga akda niya na puro pag-ibig ang tema,
yan ang iyong binabasa, oras inaaksaya,
kaya pag-ibig siniseryoso mo na,
anak ng! Dalagita ka pa lang hija!

mga gagawin mo'y pag-isipan muna
sa dami ng likes wag agad maniwala.
forever niya na binubulag ka na,
pati literatura sinisira na.

Comments/disqusion
2 comments

  1. Waah kulang ng isang line yung akin :'(

    ReplyDelete
  2. this deserves an eye for msiii's fans and an applause from msiv's supporters, and from every filipino that wants to save the literature.

    ReplyDelete