Kahit nasan ka pa
kasama mo ako
ramdam kita
ramdam ko hanggang 
sa kaibuturan ng aking laman at buto

alam kong hirap na hirap ka na gaya ko
pero hindi kita masi-sisi 
gaya mo hindi ko rin alam kung 
bakit ako nag-kaganito

kung hindi mo man ako makita 
sa pag-tulog mo..
Sasalubungin kita kasabay ng 
pagdilat ng mga mata mo.

Sana huwag mo akong talikuran
gaya na iba.
Marahil di na nila kinaya 
Etong dumi at sang-sang ng amoy ko
sana matiis mo.
At sana dumating ang araw na 
maisipan mong tulungan ako

nais ko sanang dumating ang araw
na isa ako sa kabanata ng buhay 
na maari mong ibahagi sa mga magi-ging anak at mga apo mo
Nais ko sanang dumating ang araw 
na maga-gandang bagay ang makita mo habang kasama mo ako.

Nani-niwala ako sayo
at nani-niwala ako na kaya mo

gusto kitang yakapin ng mahigpit
at ibulong sayo na "mahal na mahal kita "
at gusto ko na sa bawat umaga na ikaw
ay gigising
gusto kong marinig sa mga labi mo na
"mahal mo rin ako"

ako ang "Buhay" na pilit na yuma-yakap sayo
hindi ako mapa-pagod sa paghi-hintay 
hanggang sa dumating ang panahon na yayakapin mo rin ako.

Comments/disqusion
No comments