Showing posts with label Story. Show all posts
Showing posts with label Story. Show all posts
no image
Ni: Katrine Cates Villanueva


Takatak-tak-tak! Click! Tak! Tak!

Roon sa kaniyang silid - kamang gulo-gulo pa, mga damit na nakakalat sa sahig, kurtinang hinaharangan ang bintana, at silaw mula sa kompyuter na nagsisilbing tanging liwanag - tunog ng keyboard niya ang umaalingawngaw. Pupungas-pungas pa man at muta sa mata'y hindi pa napupunasan, kanya agad na hinarap ang pausbong na laban na nagsisilbing kabuhayan. Kanyang nilingon ang mesa sa gilid at kinuha ang pabango at ilan pang mga gamit. Sa harap ng webcam, kolorete'y kanyang ipinahid sa mukha at pabango'y winisik-wisik pa na wari nya'y maaamoy pa siya sa kabilang linya.

Sa suot niyang tube at micro-mini skirt, ganda't kaseksihan niya'y umaapaw. Aba't flawless at mestiza nga naman siya, ano pa bang hahanapin ng mga kustomer niya? Sa isip-isip pa niya, bonus ang natural na lambot ng kanyang katawan kaya nama'y swabeng-swabe ang kanyang paggiling at pagkembot. May idadahilan pa ba sila para tanggihan ang beauty na haharap at pagsisilbihan sila? Maya-maya pa'y isang kaway ang natanggap niya - mula ito sa isang lalaking kalbo, maputla at may manyakis na tawa. Pangisi-ngisi naman siyang bumati sa mamang hindi kakilala sabay kagat ng labi habang pakurap-kurap siya.

Matapos ang ilang paggiling-giling, pang-aakit at pagsunod ng rekwes ng mamang kalbo, kanyang palabas ay nagsimula na. Gaano pa man kahiya-hiya ang kanyang ginagawa para sa iba, dignidad niya'y isinalalay kapalit ng perang ibinabayad nila. Tanggap na lamang siya ng tanggap, sunod na lamang siya ng sunod. Alindog at panandaliang ligaya na dulot niya para sa lalaking nasa harap ng kamera'y habambuhay na bangungot ang katumbas para sa kanya. Gayunpaman, maskarang nakangiti ay patuloy na isinusuot niya. Kapit sa patalim, ayon pa sa iba. Ano pa nga ba't matapos mag-enjoy nang husto ang mamang kalbo, ay nag-offline rin ito matapos siyang sabihan ng ilang mura at pagsisiguradong ipapadala nito ang bayad sa bank account niya.

Roon sa kanyang silid - kung saan silaw ng kompyuter ang nagsisilbing tanging liwanag - muling naghari ang katahimikan, na tanging kaibigan niya. Bagamat saplot sa kanyang katawan ay nakalihis na, dahan-dahan niyang tinungo ang kubeta para maghilamos ng mukha. Sa harap ng salamin, lipstick niya'y medyo pumusyaw na, buhok niya'y gulo-gulo na at ang ngiting kanyang suot kanina ay nawawala. Sa paglagaslas ng tubig noong buksan niya ang gripo, luha niya'y kasabay na tumulo; at ang laman nitong sakit, poot at hiya sa sarili ay kanyang hinugasan at binalewala. Isang ngiti na mapait na lamang ang kanyang naiharap sa salamin sabay sabi sa sarili ng, "Gaga. At least may pang-tuition ka na."
Para sa Hopeless Society
Ni Jake Mark Capinañes

Hindi alam ni Nene kung ano ang dapat niyang gawin. Kanina pa siya tulala. Nasa harap niya ang isang basurahan, nasa kamay ang isang supot ng Jollibee.

Oxo-biodegradable ang supot ng Jollibee. Hindi man lubusang maintindihan ni Nene ang “oxo-biodegradable,” naisip niya na medyo disenteng lalagyan na ito ng itatapon niya maya-maya.

Tumulo nang dahan-dahan ang mga luha niya. Ni minsan, hindi niya naisip na darating ang ganitong pagkakataon sa mura niyang edad na 16. Sa isip kasi niya, haharutin siya at iibigin at magkakatuluyan sila ng kanyang boss na napakagwapo at napakamacho. Sa isip kasi niya, they will live happily ever after.

Oo, kasambahay si Nene sa mansyon nila Marcus Raven Knife Stainless-Steel. Si Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife, ay ang tagapagmana ng Stainless-Steel Corporation—isang manufacturing corporation ng plastik—na pagmamay-ari ng mga Stainless-Steel, ang pinakamayamang angkan sa Pilipinas.

Napakagwapo ni Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife. Sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral ay pinagkakaguluhan siya. Pagbaba pa lang ng limousine, nakaabang na sa kanya ang mga sumisigaw na mga hindot niyang fans sa school nila. Kadalasan, sa sobrang gitgitan at dami nila, hindi na maintindihan ang kanilang pinagsisigawan dahil ang iba ay sumisigaw ng “Marcuuuuuuus!” ang iba ay “Raveeeeeeeen!” ang iba ay “Kniiiiiiiiiiiiiiife!” at ang iba ay “Punyetaaaaaaaaaaa naipit ako!”

Ang hindi alam ng nakararami ay bakla talaga si Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife. Gayunpaman, lider pa rin siya ng mga gangster sa school nila na may grupong tinatawag na “Glitter Bladez.” Malalaman mo ang mga miyembro nito sa suot nilang pulang bandana na binudburan ng glitters.

At dahil nga doon, kahit anong landi ang gawin ni Nene, ay hindi siya magustuhan ng boss niya.



Minsan isang hapon sa gate ng mansyong nakatirik sa mamahaling subdivision na pagmamay-ari rin ng mga Stainless-Steel, habang umiiyak si Nene, nilapitan siya ni Dodong. Si Dodong ay ang engliserong kapitbahay nilang pedicab driver na matagal nang lihim na umiibig sa kanya. Kung bakit may pedicab driver silang kapitbahay sa mamahaling subdivision na kinatitirikan ng mansyon ng mga Stainless-Steel, ‘di ko rin alam.

“Why are you crying, Nene?” tanong ng binata.

“Ay, wala, nagbalat kasi ako ng patatas, este, sibuyas,” sagot ni Nene.

“Would you, you know, let me peel your potato? If you know what I mean…”

Napakabilis ng mga pangyayari, kasing bilis ng diskarte ng mokong na si Dodong. Hindi na namalayan ni Nene na nasa Sogo na pala sila. At dahil nga desperado na si Nene na magkaroon ng tinatawag niyang “pag-ibig,” hinayaan niya na lang si Dodong sa kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya. Katulad ng pagkapunit ng bawat hibla ng kanyang pinapangarap na pag-ibig mula sa kanyang amo, napunit rin, sa unang pagkakataon, ang kanyang… you know.

Hinihingal pa sila nang matapos ang ginawang milagro. “Can we do it again?” tanong ni Dodong.

“We’ll find ways,” sagot ni Nene.

“Naks, it sounds like the tagline of BDO.”

“Hihi, basta i-withdraw mo lang always.”

At naulit pa nga, not once, not twice, but many times ang milagrong ‘yun. Ngunit nangyari ang ‘di inasahan ni Nene (pero alam kong inasahan mo na). Nabuntis siya ni Dodong.

“Dodzkibebe, I’m delayed much. Baka preggy me.” text niya kay Dodong. Pero ‘di siya ni-replyan ng mokong.

At ‘yun nga, ‘di siya pinanagutan ng binata. Tumakas si Dodong. Balita niya’y nag-abroad daw ito nang naka-pedicab lang.

Ilang buwan din ang nakalipas, at heto na si Nene, nasa kwarto niya. Hindi alam ni Nene kung ano ang dapat niyang gawin. Kanina pa siya tulala. Nasa harap niya ang isang basurahan, nasa kamay ang isang supot ng Jollibee.

“Anak, pasensya, ipapalaglag kita,” sinabi niya habang humihikbi, hinihimas ang tiyang lumobo.

“Baka tinatanong mo kung sino ang ama mo? Dodong ang pangalan niya. At dahil Dodong at Nene ang mga pangalan ng magulang mo, ‘Doneneng’ ang ipapangalan ko sa ‘yo. Ang ganda ng pangalan mo, anak. Hindi mo man masisilayan ang mundo, ang importante ay may pangalan ka. May kumilala sa ‘yo.”

Walang anu-ano’y sinaksak ni Nene ang tiyan. Hiniwa. Dahan-dahang dinukot ang bata sa sinapupunan. Nilagay niya ang bata sa supot ng Jollibee at itinapon sa basurahan.

Dumanak ang dugo mula sa kanyang tiyan. Lumuha si Nene. Dumanak ang luha, lumuha ng dugo…

Ilang minuto pa, nakonsensya ang dalaga. Napagtanto niya ang karumal-dumal na kasalanang ginawa. 

Kaya kinuha niya ulit sa supot ang bata. Tinangkang ibalik sa sinapupunan. Pero, napakahirap ikabit muli ang isang bagay na dating tagapagdugtong kapag pinatid na ito. Lalong-lalo na kung ito ay umbilical cord.

Dumanak ng dugo. Dumanak ng dugo…

Wala na ngang pag-asa. Kaya habang dumadanak at nakakalat ang dugo sa sahig, niyakap na lang ni Nene ang mga bagay na pinapahalagahan niya sa kanyang buhay: ang kanyang koleksyon ng mga libro ng idolo niyang si Marcelo Santos III.

“Sayang,” sabi ni Nene sa sarili sa kanyang mga huling hininga, “hindi ko na maabutan ang movie adaptation ng Para sa Hopeless Romantic…”
no image
By Marcelo Santos VII

Kamusta pag-ibig mo? Di ko na lng tatanungin kung kamusta yung nanay mo. Balita ko nagtatrabaho
siya para sa pantustos sayo? Tara samahan kita bumili ng libro. Nabasa mo naba yung libro ni Jose Rizal?
Ako? Di ko mabasa kasi di ako nakapag-aral. Kasi mahirap lang kami, Pinapahirap pa ng gobyernong makati, Ang kamay at inuuna ang sarili kapakanan. Pero humihiling na iboto ng mamamayan. Naniwala naman kami kasi maganda yung pag-kasabi, Ayun tuloy nakatira lang kami sa kalye!

Pero ok lang kasi buhay pa naman, kakayod na lng ako kahit saan-saan. Sana walang huminto sa aking ha-
rapan, Yung may dalang kutsilyo at baril na kawatan.Ano ba yan, Nagkukwento na naman ako, pasensya na di ko lang masabi sa mga magulang ko. Parati na lang kasi silang nag-aaway eh, bat ba daw ipinanganak pa kami. Alam mo ang swerte mo, mahal ka ng magulang mo. Sana di na lang kami mahirap noh? Para sabay tayo bibili ng libro. Kaya ikaw sana magpakabait ka, para yung iba tutularan ka. Ayo ko kasi na matulad kayo samin, Di mo yata kasi kaya kumain lang ng hangin. Sana di nyo sayangan yung karangyaan nyo, Dahil pinangarap yan ng libo-libong tao.

Ito lng yung ikinakatakot ko, na dumating ang araw na ang sinasaing mo ay libro ni Marcelo.
Kasi yung utak mo natatapakan mo na, dahil sa sinabi nyag "Pakatatag tayo ha." Binigyan ka ng utak para gamitin yan. Wag kang magbasa ng mababaw ang laman. Wag kang mag-alala sakin ha? Ipagdarasal kita, pati itong bansa natin na sabi nila maganda. Sana gumaling na ang may sakit na mga tao. Sana wala ng krimen ang gugulo sa kanto. Sana humupa na ang away sa mundo, At wag kang magpakalunod sa mababaw na libro.

Teka lang, may napansin lang ako. Bat ba magkatunog sa dulo yung mga sinasabi ko?
Ito ba yung tinatawag nilang RHYME?
Pasensya na wala na akong TIME!
no image
Ni Princess Calacala

Nanghihina na ako. Nangangatog na rin ang aking mga tuhod. Inubos mo na ang lahat ng lakas ko. Tinunaw mo ang natitira kong lakas. Wala na. Tapos na. Halos araw-araw ka ngang dumadampi sa aking mga labi. Hindi lang tatlong beses isang araw. Minsa’y umaabot pa ng lima. Hanggang hating gabi’y hinahanap-hanap pa rin kita. Ang tingin ko kasi’y isa kang instrumentong nagpapalakas sa akin. Ikaw ang pumapawi sa aking pagod. Taga bawi ng lakas na nawawala sa akin tuwing ako’y gumagawa ng napakabigat na aktibidad.

Pero bakit ganito?. Isa’t kalahating araw ang nakalipas noong huli mong ipatikim sa akin ang pinakamasarap na putaheng noon ko pa lamang natikman. Bakit mo ako iniwan? Ito ba ang sinasabi mong paghihiganti sa akin?. Pinagsisisihan ko na nga diba?. Pinagsisisihan ko ang mga panahon na itinapon at ipinagtabuyan kita. Gayundin ang panahon na sinayang kita, ginawa kitang pampalipas oras ko. Puro tira-tirang oras na lang ang naibibigay ko sayo. Minsan pa nga’y unabis na kitang hindi ginagalaw. Kahit na nakalatag na ang iyong malinamnam na katawa’y tila wala ng epekto sa akin. Ang mga langaw na lamang ang pumapansin sa iyo.

Dala lamang iyon ng sunud-sunod na pagod ko noong nakaraang linggo. Ginawa ko ang thesis ko. Sumulat ako ng napakaraming kwento para sa final exam ko. May sinalihan akong contest, nag-review ako. Alam kong nagkamali ako dahil hindi na kita napansin. Subalit ngayo’y labis ang pagsisisi ko. Isa’t kalahating araw ng huli kitang matikman. Hindi ko alam kung kailan ka ulit dadampi sa aking mga labi at bubusugin ang aking laman. Isa’t kalahating araw na rin akong nalilipasan ng gutom. Kumakalam ang sikmura.Nanginginig na ang aking katawan. Ngayon ko napagtanto na hindi ko pala kayang mabuhay kung walang kanin at ulam
Buti Pa Si Kendra May Dalandan
Ni Princess Calacala

Dandandandalandan. Mabuti pa si Kendra napapakanta. Walang iniintindi, palaging masaya. Samantalang ako halos lahat kargo ko. Walang magandang damit, walang magarang sasakyan, maliit lamang ang bahay. Walang kapatid. Walang boyfriend.Wala lahat! Mabuti pa si Kendra, konting awit lang may pera na.

Samantalang kami, halos lumawit na ang lahat ng litid sa ngalangala ay wala pa ring mahanap na pera. Mabuti pa si Kendra, ipakita lang ang iniindorsong produkto sigurado na ang kinabukasan. Pero kaming mga pahat diwang nilalang na lugmok sa kaharipan, hindi namin alam kung paano kami sa hinaharap. Lahat ng bagay na pinagpapaguran namin sa iba lamang nauuwi. Nagtatrabaho kami, tapat ang serbisyo sa bayan, pero bakit nagagawa pang pagnakawan? Mabuti pa si Kendra may orange. Kami nga nagti-tiyaga lamang sa kamatis. Kamatis na ipinupukol sa amin ng mga mayayaman. Nang mga may kapangyarihan. Ang prutas na sinasabing simbolo sa aming mga mahihirap. Saan nga ba kami hahanap ng kahel? kung ang binubungkal namin araw-araw ay lupa na kamatis lamang ang kayang tumubo. Makapagpalaki man kami ng “ORANGE” hindi naman kami ang makikinabang. Mauuwi lamang ito sa kung saan-saang lugar. Isa kaming upahan sa napakalaking hacienda kung saan kami’y tau-tauhan upang sundin ang kanilang gusto. Hindi naman kami nabibigyan ng sapat na sweldo. Mabuti pa si Kendra tuwang tuwa habang nilalasap ang katagang “REAL NA REAL”.



Kami kaya? Kailan makakatikim ng “REAL NA REAL na pagbabago?”. Mararanasan pa kaya naming makapagtamasa ng sapat na edukasyon? Mabibigyan pa kaya kami ng disenteng trabaho? Matitigil na kaya ang korupsyon? Uunlad na kaya ang bayan ko? Mabibigyan kaya nila ng tamang sweldo ang mga magsasaka? Kailan kaya sila didilat sa “REALidad” ng buhay?. May pag-asa pa kayang mabago ang bulok na sistema ng pamahalaan? . Kawawa naman ang mga bulateng matagal na nanirahan sa patag na lupain. Isang dagan lamang ng semento’y wala na silang kawala. Napakadaling napalayas sa lugar na matagal nilang inalagaan. Hindi mo na kayang umapila. Ni-rekta ka ng mga buhangin,bato at semento. Tinusok ka na ng bakal na matigas pa sa ulo mo. Ang mga ekta-ektaryang lupain na taniman ng produktong iniluluwas at inaangkat sa atin ng ibang bansa’y punung-puno na ng bahay na bato na magkakamukha ang kulay at disenyo . Mabuti pa si Kendra amoy na amoy ang bango ng dalandan. Samantalang kami’y kaamoy na ng imburnal. Amo’y lupa na dahil araw-araw kaming napapagal. Buti pa si Kendra lasap na lasap ang saya ng buhay. Kami kaya? Kailan namin mararanasang mamahinga. Yung tipong isang kanta mo lang lalabas na sa harap mo ang pera?. Yung hindi na kami mapapagod magbanat ng buto para sa ibang tao. Kung magtatrabaho man kami’y gusto naman naming makatanggap ng kaukulang benipisyo. Walang daya. Walang korupsyon. Mabuti pa si Kendra may dalandan. Nakayakap sa dalandan, samantalang kami’y mga mamamayan na araw-araw nakayakap sa putikan.
no image
Ni Princess Calacala

Dati'y palagi akong nakakatikim nang suntok. Bugbog sarado kay tatay pati na rin kay kuya. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Galit sa akin si ate maski si nanay. Isa raw akong salot sa lipunan. Labindalawa kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Karamihan sa kapatid ko ay maton. Dalawa lamang kaming babae. Este isa lang pala ang babae. Apat na taon ako noong natuklasan kong ganito pala ako. Masaya ako tuwing kinukulot ko ang buhok ko gamit ang tangkay ng acacia. Ginagamit na miniskirt ang tuwalya. At higit sa lahat masayang kinukulimbat ang lipstick at foundation ni nanay sabay pahid sa labi kong makapal at mukha kong hugis mansanas. Dahil sa maitim ang aking tuhod, kinuha ko ang mena ni ate. Pinahiran ko ang tuhod ko hanggang sa maging maputi. Ayos na. Maganda na ako. Rumampa na ako sa kabilang baryo. Masayang-masaya ako sa sigawan ng mga tao. Hanggang sa makita ako ni kuya. Ang ngiti sa aking mga labi ay biglang naglaho. 



Nanginginig akong umalis sa aking kinatatayuan. Pag-uwi ko sa bahay, binugbog na naman ako ni kuya. Hindi ko na mabilang ang mga palong natanggap ko mula sa kanya. Sa sobrang galit ni itay, ibinitin ako sa punong dinudumog ng hantik. Pinaluhod naman ako ni ina'y sa asin. Pinalabhan sa akin ni ate lahat ng damit namin. Gusto ko nang sumuko. Hirap na hirap na ako. Bukod sa pagod na ako'y hindi pa ako nakakakain nang maayos dahil hindi sapat ang kinikita ng aming pamilya. Hanggang sa isang araw napadesisyunan kong umalis. Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Nagpunta ako sa Maynila. Nagbabakasakaling gumanda ang aking buhay. Diskarte lang ang ginawa ko, nagtrabaho ako sa karinderia ni Aling Melly. Nakalibre ako ng pagkain. Sa kanila na lamang ako nakituloy pansamantala. Hindi ako nakuntento sa ganoong trabaho. Pagkatapos kong magtinda sa karinderia derecho ako sa parlor ni Bebeng Shoding. Magdamag bukas ang parlor na ito. Doo'y tinuruan nila ako kung paano ba mag-manicure at pedicure. Kung paano gumupit ng buhok at mag make-up. Naaliw ako sa aking ginagawa. Labis ang aking kagalakan tuwing pumapasok sa trabaho kong iyon. Dumating ang araw na nagkaroon na ako nang magandang oportunidad upang magpatayo ng sarili kong parlor. Hindi naglaon naging tagumpay ang negosyo kong ito. Sa bawat hagod ng suklay kaakibat ko rito'y pagmamahal. Sa bawat paghugas at pagkulay ng mga daliri nila, ipinararamdam ko sa kanila kung gaano kakulay ang mundong tinatahak nila. 

Ganoon din sa paglalapat ko ng kolerete sa mukha nila. Ipinakikita ko na sa kabila ng mga pangit na nangyari sa kanila'y maaari pa rin itong mapaganda gamit ang malikhaing kamay nila. Heto ako ngayon, nakapundar na ng sariling bahay at lupa. Kumikita na nang malaki, nag-ampon ako ng batang babae upang may makasama sa buhay. Sa kabila nitong tagumapay na dinaranas ko, hindi ko pa rin kinalimutan ang mga mahal ko sa buhay. Sa kabila ng mga hagupit at latay na natamo ko sa kanila, ang pusong babae ko pa rin ang umiral upang sila'y muling balikan at tulungan. Kung sino pa ang kinawawa at sinaktan nila noo'y siya rin ang tutulong sa kanila ngayon. Sino ngayon ang nagsasabing salot lamang kami sa lipunan?
no image
By: Katrine Cates Villanueva

He opened the door as he heard successive knocks on the door. It was Travis.

"You're just about in time." He grinned.

Travis then took a step and walked inside Justine's room to see the food all placed in the center table - the pizza box was opened and is missing a slice, canned beers were all cold and sweating and chips were all transferred in a transparent bowl. He noticed his pile of men's magazine beneath the table all stacked up in a neat tower on the right side, and porno DVDs on the left. He switched his eyes on his bed where his navy blue backpack was carefully placed on the left bottom corner. His room might just be the neatest room a guy could possibly have. He even has flowers on his bedside table which according to him, adds a unique sense in his manly aura.

"So.. Shall we start?" Travis broke the ice.

Justine and Travis were best buds. They were total opposites - from the arrangement of their rooms, to the kind of clothes they wear, and even to their school records in the guidance office. Justine has been always the good guy between the two. He's always proper, wear stylish and manly clothes, been on the top of the class and was never sent to detention. While Travis, is all the other way round - a school varsity who goofs all the time, never cared about grades, brought his own chair on the guidance office and sometimes don't change his underwear. But it didn't matter. One day they just clashed and then the next day they were inseperable. Two same charges repel, while opposite charges attract. Maybe that was the reason they were in their current place, or maybe not. At school, they were both popular, the kind of guys who would bring girls to flirt around them 24/7 without feeling tired. They got good looks, after all. At lunch breaks, they eat together and can easily cut off the line to the counter - all because of girls who think they're bosses or just so they could impress them. They walk together while going home, Justine in his apartment and Travis on his house not so far from Justine's. They were best buds like that. Despite of the attention they receive at school, they never had girlfriends. They were never ready to commit with girls who know nothing but to whine and ask for favors - they believed girls are just pain in the ass. Nah. Maybe it's better to say, they were never interested. They were men of few words, men who grew popular at school, not plainly because of good looks, their talents, but mostly because of mystery, and curiosity lingering in the minds of fan girls. They kept almost everything a secret, no one knew about their personal lives.

Travis and Justine sat on the couch and made themselves comfy as they wait for the movie to start after Justine had pushed the play button and placed the remote control on the table. Travis grabbed the can of beer and gulped its content. Justine lifted both his feet atop the table carefully not to push the box of pizza and placed his hands overhead. Two bestfriends watching an x-rated movie on a friday night. Everything seemed right. Travis smirked with the sight of the protagonist slowly drowning into lust while Justine watched with those eyes reflecting fire burning with desire. Moans and heavy breaths was all they could hear, seeming to tickle them from within. Justin then placed his left hand in Travis' thighs as he looked intently in his eyes. Travis placed his right hand on top of Justine's and whispered those three words that seemed to made both of their stomachs a flip-flop.

And then.. Both of them was lost.

"Where did you slept last night, young man?!" Travis' mother greeted as he walked in their house.
"None of your business."

He tried to answer as calmly as he could. He went to his room as fast as he can and immediately locked the door. He could still hear his mother's nagging but he tried to ignore. He smiled, touched his lips as he headed for his bed and recalled all the memories they had spent last night.

Some memories, you keep for yourself.
no image



Higit pa sa mga librong kanyang nababasa, higit pa sa ginagawang paglalarawan ng kanyang kuya tungkol sa magagarang struktura sa Maynila. Doon, kung saan kanyang mga pangarap tila kaydaling abutin, kung saan kanyang paboritong mga kendi ay parating mabibili. Walang limitasyon, walang sino man ang hadlang.. Doon, kung kailan ang mga bituin sa kalangitan ay isa-isang sumisilip, na para bagang nginingitian pa siya.

Marahil, ang paglubog ng araw ang pinakahihintay niyang oras sa magdamag, hindi gaya ng iba kung saan ang pag-asang dala ng pagsikat ng araw ang syang namumukod-tangi para sa kanila. Hindi nga ba't liwanag ang nagbibigay-buhay at paalala para kumilos at magpatuloy ka? Ngunit para sa isang munting bata, kabaligtaran ang mithi, ang depinisyon nitong ipinararating. Ang munting liwanag na dala ng buwan at ang pagningning ng mga bituin sa kalangitan ang syang nagbibigay-lakas at pag-asa sa bata. Matataas na bundok kanyang naaakyat, mataas na paglipad na higit pa sa mga makina roon sa ere, at samu't-saring pagkain at laruan na hindi kailan niya natikman o nakamtan - sapagkat sa pagsapit ng dilim, sa pagsilip ng mga bituin, iyon lahat ay kanyang napapasapalad.

Oo, bata lamang siya. May gatas pa sa labi kung ituring ng iba; ngunit yaong kainosentehan na taglay niya ay nagsisilbing liso ng pag-asa na bumabalot at patuloy na nagbubunga sa kanya. Oo, bata lamang siya. Ano nga ba ang maaaring maidulot ng isang batang hindi pa tinutubuan ng puwang? Oo, walang silbi para sa iba. Oo, umaasa pa lamang siya sa nakatatanda. Ngunit sa pagsapit ng dilim, kung saan bituin ay kanyang sinisilip.. naroon ang pag-asang hinahawakan niya sa pagkamit ng mga pangarap. Hadlangan man ng iba o sa patuloy na pag-edad niya, sa pagsapit ng dilim at pagsilip ng mga bituin - patuloy niya itong aabutin sa kanyang pagpikit, kahit pa sa panaginip.

no image
By: Katrine Cates Villanueva


Sino nga ba ang marapat na sisihin? Sino nga ba ang syang may pananagutan?

Mga tanong na gumagambala sa bawat isa, hinahanapan ng sagot sa pamamagitan ng masidhi umanong pag-iimbestiga. Mga pulitikong umaabuso sa kapangyarihan pilit na binabatikos at pinapatalsik ng bayan, samantalang yaong mga "biktima", nagmamataas, nagpupumilit na humingi ng hustisya. Nagtuturuan, naghihilahan, nagsisisihan. Sino nga ba ang marapat na sisihin? Sino nga ba ang syang may pananagutan?

Sa mga prehistiyosong unibersidad, sila'y nakapagtapos umano ng may dangal - kaya nama'y respeto at bilib ay kanilang inani mula sa karamihan. Talino't sapat na dunong ay kanilang pondo para tuluyang maintindihan ang nag-aapoy na lagnat at mga pangangailangan ng Inang Bayan. Unti-unti nilang binaktas mula sa papag ng kakumbabaan patuloy sa rurok ng bundok ng kapangyarihan; kapangyarihang baguhin at iangat ang Inang Bayan sa kanila'y ipinagkatiwala ngunit "Bakit kami'y naghihirap pa rin?" ang sigaw ng syang nasasakupan. Kung sino pa man umano ang may angking talino, yaman at kapasidad para iahon ang bayan ay sila pa mismo ang syang nangunguna sa nakawan at paglaganap ng patuloy na kahirapan.

Mga batang hindi makapag-aral, mga inang walang maipakain sa kanilang anak, mga tambay sa kanto na imbes na magtrabaho ay naroon nagpapakalunod sa alak at sigarilyo. Sila umano ang salamin ng kahirapan, biktima ng pang-aabuso na gawa ng may kapangyarihan. Hindi nila kasalanan kung sila man ay magnakaw, sapagkat "Wala kaming pera eh." ang kanilang pagbibigay-linaw. Hindi raw masama na mag-123 sa dyip, hindi raw masama na manguha ng supplies sa opisina, hindi raw masama bumulsa ng isang-daan sabi ng ibang kahera; Sapagkat maliit na halaga lamang daw ang kanilang kinuha, "Bakit kami? Eh iyong nasa gobyerno milyon-milyon ang kinukuha." ang pangangatwiran pa nila. No Parking, No Jaywalking at No Smoking - mga simpleng paraan ng gobyerno sa pagdidikdik ng disiplina, ngunit kabi-kabilaan ang lumalabag sa mga naturang paalala. Pero hindi nga ba, mga kababayan, sa maliliit na bagay ang lahat nagbubunga?

Sino nga ba ang marapat na sisihin? Sino nga ba ang syang may pananagutan? Patuloy na lumalagablab ang lagnat ng Inang Bayan; Lahat nais pawiin ang sakit, lahat nais maging bayaning ililigtas ang taglay niyang kariktan. Ngunit sino nga ba ang kalaban? Kanino nga ba siya ililigtas? Katakot-takot mang sabihin at aminin ngunit, TAYO.. TAYO ang kalaban ng bayaning naninirahan sa ating mga sarili. Paano? Paano nga ba ililigtas kung ang sarili mismo ang kalaban?

no image
Ang lahat sa atin ay may mga kwentong hindi malilimutan. Maaring ito ay dahil sa sobrang saya ng mga alaalang nakakabit dito o 'di naman kaya ay sobrang lungkot, nakatatakot o nakahihiya. Ako rin ay may sariling 'di malilimutang kwento. Isang kwentong gustung-gusto ko na sanang ibaon sa nakaraan ngunit, tulad ng isang bangungot ay lagi ako nitong sinusundan... Ayaw akong patahimikin.

Simulan natin ang paglalahad sa ganito...

May mga sampung taon na rin buhat nang una akong makadalaw sa probinsya ng aking lolo sa Bisaya. Tandang-tanda ko pa. Kinailangan pa naming sumakay ng bapor para makarating doon. Maaari rin namang mag-eroplano ngunit malaki ang magiging kamahalan sa pamasahe. Pagkarating sa daungan ay sumakay naman kami ng bus tapos ay dalawang oras na namangka upang marating ang liblib na nayon na iyon na kung tawagin ay San Andres.

Ibang-iba ang lugar kumpara sa Maynila. May mga bahay pa rin na walang kuryente. Maaga ang oras ng pagtulog kaya naman maaga rin kung magsigising ang mga tao. Madalang ang mga bumibyaheng sasakyan, karaniwan ay mga kalabaw lamang na may hila-hilang kariton. Kakaunti lamang ang mga lokal kaya naman halos magkakakilala ang lahat at paniguradong mapupuna kaagad ang mga dayo. Gaya ko.

"Lope, apo mo ba ang batang 'yan?" tanong ng isang may edad na babae sa aking lolo. Tumango ito.
"Ingatan mo kasi ay takaw-pansin. Halatang dayo," sabi pa ng babae. Hindi ko maunawaan ang ibig niyang ipahiwatig sa babala niyang iyon. Palipat-lipat lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa ng aking lolo.

Lumipas ang mga unang araw ng aking bakasyon sa probinsya. Masaya naman. Sariwa ang hangin at lahat ng pagkain. Kinakitaan nga ako ng bahagyang pagtambok ng pisngi tanda na hiyang ako sa lugar. May mga nakilala rin akong mga batang kasing edad ko. Madalas nila akong yayaing manghuli ng bulig sa ilog o 'di kaya naman ay mamitas ng sampalok sa bukid. Lalo tuloy akong nalibang.

Ang sabi ng lolo ko ay maari kaming mamasyal ng aking mga kalaro sa kahit saan sa San Andres sapagkat ligtas naman ang lugar. Maliban lamang sa isang bahay. Huwag na huwag daw kaming gagawi roon. Hindi raw kasi pangkaraniwan ang babaeng nakatira roon.

"Aswang po?" tanong ko.
"Ang sabi," sagot ni lolo sa akin.



Miminsan ko pa lang nakita sa munting nayon na iyon si Soleng. Ang babaeng "aswang." Mga nasa kulang tatlumpo na raw ang edad nito. Madusing ang hitsura. Bigla na lang tatawa nang pagkalakas-lakas, maya-maya'y aatungal naman at kapag nagsawa ay magagalit. Babatuhin ang sinumang lumapit. Wala na raw itong pamilya. Walang nakakikilala. Panay haka-haka lang ang alam ng mga lokal tungkol sa kanya. Babaeng bayaran daw noon kaya makasalanan. Pinarusahan daw ng Diyos kaya lahat ng naging anak sa mga lalaking gumamit dito ay namatay. 

Ngunit may isa pang bersyon ng usap-usapan ang mas nakapangingilabot. Bago umano naging Ebang mababa ang lipad si Soleng ay isa raw muna itong matinong dalaga. Nakapag-aral kahit papaano. Pero may isa raw pangyayaring nakapagpabago sa ikot ng buhay nito. Ano 'kamo? Napagsamantalahan umano ito ng isang aswang. Ang mas masaklap pa, nagbunga raw ang pananamantalang iyon ngunit kung mayroon man talaga at kung nasaan ang bata ay walang nakaaalam.

Hanggang doon lamang ang nalaman ko tungkol kay Soleng. Ayaw na ring magkwento pa ng mga taga-San Andres tungkol sa kanya. Ngunit hindi ako ang tipo ng batang madaling punan ang kuryosidad. Alam kong gusto ko pang mas lalong makilala ang babaeng "aswang." Kaya naman nang sumunod na araw ay inaya ko ang aking bagong kaibigan na si Manolo na pumuslit sa iniilagang bahay na iyon ni Soleng.

"Ayoko nga. Paano kung kainin tayo nu'ng aswang?" tanggi ni Manolo.
"Tuli na tayo at lahat naniniwala ka pa rin sa aswang?" buska ko dito.
"Ang bilin kasi sa akin ng nanay ko huwag daw akong pupunta roon."
"Bakit daw?"
"Nangangain daw ng mga bata 'yung babaeng nakatira roon. Binibiyak ang sikmura saka kinakain ang mga lamang-loob."
Natawa ako. "Siya, kung ayaw mo, ako na lang. Patutunayan ko sa'yo na walang aswang."

Noong hapon ding iyon ay palihim kong tinungo ang sinasabing bahay ng "aswang." Habang naglalakad ay kinapa ko sa aking bulsa ang isang puso ng bawang na kinuha ko sa aming kusina. Bagaman at 'di ako naniniwala sa aswang o kung ano mang maligno ay iba pa rin syempre ang sigurado.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang marating ko ang bahay. Gawa lamang ito sa pinagtagni-tagning sako at karton. Makalat ang paligid. May mga plastik na nakasabit kung saan-saan habang ang iba naman ay nakakalat sa lupa kasama ang mga tuyong dahon. Pakubli-kubli akong lumapit sa bahay hanggang sa masilip ko si Soleng na nakasalampak sa sahig na sinapinan lamang ng sako. Nakatitig ito sa kawalan. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit, mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga palad. Ano kayang iniisip niya? Kung talagang aswang siya ay bakit wala siyang mga pangil? Walang matutulis na kuko? Walang pakpak? 

Bigla ang ginawang pagsulyap ni Soleng sa akin at kitang-kita ko kung paanong biglang nanlisik ang kanyang mga mata. Paano niya nalaman ang kinalalagyan ko? Tumayo ang balahibo ko at lalo akong nangilabot nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin.Huwag... Huwag... Hindi ako makasigaw dahil tila nakulong sa lalamunan ko ang aking boses. Ilang ulit akong lumunok. Napatingin ako sa kanyang mga kuko at sa aking isip ay tila ba unti-unting humahaba ang mga ito. Kumikislap sa talim. At sa kanyang bibig naman ay tila ba lumilitaw na ang kanyang mga pangil. Sa isip ko ay biglang umalingawngaw ang sinabi ni Manolo. "Nangangain daw ng mga bata 'yung babaeng nakatira roon. Binibiyak ang sikmura saka kinakain ang mga lamang-loob." 

Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Ilang dipa na lamang ang layo ni Soleng sa akin nang magawa kong iatras ang aking mga paa sa kabila nang panginginig ng aking mga tuhod. Ngunit, tila naman lalong bumilis ang mga paghakbang ni Soleng. Binilisan ko rin ang aking pag-atras ngunit sa isang maling tapak ng aking paa ay nadulas ako at napahiga. Tumama kung saan ang aking siko at ito ay nagdugo. Napaiyak ako sa hapdi ngunit, higit lalo na sa takot. Abot-kamay na ako ni Soleng nang magawa kong sumigaw. Ubod nang lakas.

Biglang nagsuluputan ang mga lokal sa kung saan-saang panig. Noong una ay iisa pa lamang ang sumaklolo sa akin, hanggang sa naging dalawa, naging tatlo, dumami nang dumami hanggang sa 'di ko na mabilang. Nagpaulan sila ng mga bato kay Soleng at ang babaeng "aswang" ay walang nagawa kundi proteksyunan ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga bisig. Humihiyaw siya sa sakit sa tuwing tatamaan siya ng malalaking bato. Napaluhod siya sa lupa at sa muli niyang pagtayo ay dumampot na rin siya ng bato. Gumaganti na rin si Soleng sa mga lokal. Ang mga sumaklolo sa akin ay unti-unting nabawasan hanggang sa tuluyan nang maglaho ang mga ito.

Kami na lamang ni Soleng ang naiwan sa lugar na iyon. Nakatingin kaming pareho sa mukha ng isa't isa. Larawan ako ng matinding takot. Ang sa babaeng "aswang" naman ay ng matinding lungkot. Hindi na nanlilisik ang kanyang mata. Wala na rin ang mahahaba at matatalim niyang kuko maging ang kanyang mga pangil. Isa na lamang siya ngayong pangkaraniwang babaeng tinakasan ng bait. Tinitigan niya ako at kitang-kita ko kung paanong ang mga mata niya ay nanubig. Nang mula sa kung saan ay dinampot ako ng aking lolo. Nagagalit siya sa akin, matigas daw ang ulo ko. Sinabi na raw na huwag kong pupuntahan ang bahay ng babaeng "aswang." Bitbit na niya ako palayo kaya naman hindi ko na nakita ang pagtalikod ni Soleng at ang paghakbang niya sa isang masukal na direksyon. Iyon na pala ang huling beses na makikita siya sa San Andres.

Ngayong binabalikan ko ang kwentong ito ay hindi ko maiwasan na matakot at mapahiya sa aking sarili. Si Soleng... ano ba ang naging kasalanan niya sa akin at sa mga lokal upang danasin niya ang ganoong kalupitan? Isa lamang siyang babaeng naging biktima ng pagkakataon at ng kanyang sakit sa pag-iisip. Pang-unawa ang kanyang kailangan, hindi panlilibak at kung anu-anong mga haka-haka. Kung tutuusin, mas nakapangingilabot pa ako kaysa kay Soleng sampu ng lahat ng mga nanakit sa kanya. Kung tutuusin, mas masahol pa kami sa mga aswang.
no image
Isinulat ni Christopher Breis

Isinukat ni Pagasa ang damit na galing sampayan. Umaasa siyang tuyo na ito mula sa kahapong nilabhan ito ng kanyang ina.

Napansin niyang gusot ito mula sa manggas hanggang sa laylayan. Wala ang kanyang tatay para umasikaso nito kayat naisip niyang iutos na lamang sa nakababatang kapatid.

Nadatnan niya itong nagwawalis sa kanilang harapan. Alam ni utoy na may iuutos na naman ang kanyang ate sa kanya kaya't agad siyang lumapit.

"Nalabhan na ito, paplantsahin mo na lang. Gamitin mo ang tirang baga at humiram ng plantsang de uling kila aling biray." Utos ni pagasa. Inabutan naman niya ng dalawang piso si utoy sa kamay kayat itoy agad na tumakbo para sundin ang utos.

Naupo muna siya saglit at kinuha ang salamin. Inayos ang mahabang buhok at naglagay ng mga kung anong mga pampaganda sa sarili. Pinagmasdan ang buo niyang katawan. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din siya kung bakit nagawa sa kanya ni Lucas iyon. Ang ipagpalit siya sa iba gayun namang maraming nagkakandarapa sa taglay niyang ganda.

Dulot ng lungkot at labis na hinagpis, naisip niyang magpakasaya muna mamayang gabi. Alam niyang hindi pa huli ang lahat. Niyaya siya ng kanyang kaibigan na dumayo mamaya sa sayawan na gagawin sa kabilang baranggay.

Takip ng postura ang balat, nasilaw ang marikit na mata ng dalaga sa ilaw na tumatama sa kanya. Rinig niya ang hiyawan ng mga nagsasayawang kabataan kasabay ng mga nakakaindak na tugtugan. Ibinulsa niya muna ang perang patagong kinuha niya sa pitaka ng kanyang ina na sanay pambili ng pagkain nila mamayang hapunan.



"Kanina ka pa ba diyan pagasa?" Sumulpot sa gilid niya ang kaibigang si Mariel. Tangan ang isang bote ng alak sa kamay nito.

Napansin naman ni Pagasa na parang iba ang kilos ng kanyang kaibigan nang gabing yun.

"Kakarating ko lang. Gusto kong malaman kung ano yang hawak mo?"

"Eto ba kamo? Halika't pumaroon tayo at ituturo ko sayo kung ano ito." Pagaaya ni Mariel.

Lumakad sila sa nagsisiksikang mga tao dahilan upang mahulog ang tinagong pera ni Pagasa.

"Ito ang makakatulong para mawala ng saglitan ang dinadala mo sa buhay. Eh dibat gusto mong makalimutan si Lucas?"

Nakatitig lang sa bote ng alak si Pagasa habang naiisip niya ang mga dalahin niya sa buhay. Ang kahirapan ng kaniyang pamilya at ang pagkabigo niya kay Lucas.

Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Pilit na iginagapang siyang pagaralin ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pamamasada ng kanyang tatay at paglalaba ng kanyang ina. Laging umaasa at nagtitiwala ang kanyang mga magulang na siya ang magaahon sa kanila sa hirap na dinadanas nila ngayon.
Dahil sa aya ng kaibigan, nilagok niya ang hawak na alak. Ramdam niya ang lamig na dumadaloy sa kanyang lalamunan. Sa unay di niya nagustuhan ang lasa ngunit sabi ni Mariel na mawawala din ang pait nito kaya ipagpaatuloy niya lamang daw.

Hanggang sa lumalim ang gabi at ramdam na ni Pagasa ang tama ng alak. Umiikot na ang paningin niya nang mga oras na yun. Napansin niyang wala na si Mariel sa tabi niya at wala na din siya sa kanyang sarili.

Nagsilapitan naman ang mga biinatang nagbayad kay Mariel kapalit ang masamang gagawin nila kay Pagasa.

Tuluyang naglaho ang lahat ng pangarap nang gabeng yun. At nawala na din ang pagasang inaasahan ng kanyang mga magulang.

"Kakarating ko lang. Gusto kong malaman kung ano yang hawak mo?"

"Eto ba kamo? Halika't pumaroon tayo at ituturo ko sayo kung ano ito." Pagaaya ni Mariel.

Lumakad sila sa nagsisiksikang mga tao dahilan upang mahulog ang tinagong pera ni Pagasa.

"Ito ang makakatulong para mawala ng saglitan ang dinadala mo sa buhay. Eh dibat gusto mong makalimutan si Lucas?"

Nakatitig lang sa bote ng alak si Pagasa habang naiisip niya ang mga dalahin niya sa buhay. Ang kahirapan ng kaniyang pamilya at ang pagkabigo niya kay Lucas.

Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Pilit na iginagapang siyang pagaralin ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pamamasada ng kanyang tatay at paglalaba ng kanyang ina. Laging umaasa at nagtitiwala ang kanyang mga magulang na siya ang magaahon sa kanila sa hirap na dinadanas nila ngayon.
Dahil sa aya ng kaibigan, nilagok niya ang hawak na alak. Ramdam niya ang lamig na dumadaloy sa kanyang lalamunan. Sa unay di niya nagustuhan ang lasa ngunit sabi ni Mariel na mawawala din ang pait nito kaya ipagpaatuloy niya lamang daw.

Hanggang sa lumalim ang gabi at ramdam na ni Pagasa ang tama ng alak. Umiikot na ang paningin niya nang mga oras na yun. Napansin niyang wala na si Mariel sa tabi niya at wala na din siya sa kanyang sarili.

Nagsilapitan naman ang mga biinatang nagbayad kay Mariel kapalit ang masamang gagawin nila kay Pagasa.

Tuluyang naglaho ang lahat ng pangarap nang gabeng yun. At nawala na din ang pagasang inaasahan ng kanyang mga magulang.
no image


Why do people do that? why are they searching for it? and why does it become lost anyway?

Souls are often associated with the paranormal presence of a dead human body. It is like the intangible part of the human body that is not backed up by pertinent scientific evidence but is constantly being termed as the after-life version of the human body. In its form, no one could ever say, there are people claiming that it is the blurred version of our human form, some would say that they're like an orbital glow of light, and in its humorous description, a floating white cloak with three holes namely, the eyes and the mouth, that seems to have someone under it.

Paranormal experts would tell that souls represent the emotions of a human that is left on the world, whether it is a negative or a positive emotion, it is represented by the soul that would explain the poltergeist (negative) and those they call guardians (positive). In other point of view, souls are born for the unfinished business of a dead human. Whatever it represents, I still don't know why do ALIVE people do some so-called soul searching.

Based on a material fact, I know that people do that when they don't know what to do, when they're confused, or just simply empty. There are some people that even do some far away travel just to find their souls. How does their soul even go that far? but most people just need some time to be alone and voila they found their soul. HOW IN THE HELL IS THAT POSSIBLE? If souls are deemed to be the after-life version of us, how can they be lost in the first place without us being dead at all?

How am I supposed to know? I'm even searching for mine. Which leads me into writing this piece of angst.



Been a passive human being for quite a while now, days go by, night rode fast, I don't routinely do my works, I'm just plain busy with my life. But I can feel it, there is an emptiness somewhere inside me. What occupies that empty space? I don't know. Maybe that's my soul. And I'm gonna find it. That is part of my intangible human aspect. No one wants to lose a part of themselves even if they do really not know what it is. The fact that you know for yourself that there's something missing is enough for you to go haywire about it.

Where do I even begin looking? I guess, I'll start where I lost it, which is a thing that is not in my knowledge either. Maybe the "where" question could be answered by not just a place but a memory, an emotion, or a state of mind? or it faded and I need to find my new soul? worst is, what if I never had one til now that there's an urge to soul search? and I'll cry if this is just a kind of emotion that is related to loneliness or near depression because I'm actually happy, am I? Ask my soul.

I've tried the most conventional ways, travelling, being alone, reading, having time for myself, and by simple meditating but nothing... still nothing. All I found is a reflection of me at my computer screen typing my rants about an undefined form-less part of me, hoping that by letting my emotions flow will lead me to the thing that I'm looking for. These are the times when the advises of your peers won't aid you, because if the theory is right that the soul is the after-life representation of ourselves, then we have different souls that will adapt our personality and emotion. So if you took an advice from a friend that is proclaiming that he or she already found the so-called soul then It's like taking a cough medicine if you have a back spasm. Different souls, different ways to find them. So, the question would be, where would I hide? Maybe that is where my soul is hiding, or running perhaps?

Whatever the reason is, all I can for now is,I'm actually happy to feel empty for awhile, it reminds me that nobody is perfect and even if I have the things that I currently aspire, there is always an empty part of me to be filled up. Life is an endless journey, there is no such thing as "the destination". If ever there is, that would be found six feet under the ground. The point is, we are always on a journey. Maybe I'll find my soul along the way, til then. I'll just shut my laptop off and continue on my journey.
no image
By  Carl Marvin Baltazar

Ang politika sa pilipinas ay binubo ng mga pinunong may mga angking talino, mataas na pinagaralan, at galing sa angkan ng mayayaman, na tanging kapakanan lang ang syang namumutawi sa angking kaisipan. Ito ba ang naaangkop na lider para ang bayan ni juan   ay sumagana o sila pa ang magiging dahilan ng patuloy na pagluha ng nakagapos na juan.

Dambanang sagisag ay pagbabago, sa panahon ng halalan ay syang kinakalembang ng iilan, mga paboritong kanta’y binababoy para pangalanan nila’y tumatak sa isipan ng mga madlang uhaw sa biyayang pinipilit kamitin. Mga dating magkakapartido sila pang nagsisiraan, at kung kaylangan dumanak ng pulang likido kanya nilang gagawin para sa upuang makasalan ay kanila nilang mapanatili. Mga relihiyon ay kanilang nililigawan lahat ng hilingin ay handang ibigay. Pilit na  pinapabango ang sarili sa harap ng misang lingguhan, ngunit ito bay talagang nakaugalian o ito’y napilitan lang?. Kapag ika’y walang pinag-aralan at salapi marahil hindi ka paniniwalaan kahit na malinis ang konsyesang gumawa ng mabuti para sa madla. Politka lang ba ang dahilan ng pagbaksak ng ekonomiya ng bansa? O pati ang mga mamamayang  patuloy na nagpapauto sa mga mala-anghel na wikain na sa likod ay malademonyong gawain ng mga ganid na politiko? Kahit na alam na natin ang kamalian sa bansang niruyakan ng mga oligarkiyang ganid sa laman ay patuloy parin tayong nabubulagan sa kanilang mga kapangahasang ginagawa. Pagkat takot ang syang namumutawi, walang kakayahang lumaban para sa bansang sinilangan. Umaasa ang lahat na darating ang panahon magbabago ang ihip ng hangin, ngunit paano tayo makaagpas kung walang gumagawa ng paraan para hustisya’y syang makuha. Noon at Ngayon ay walang pagkakaiba. Pagkatapos ng isang madugong laban sa mga dayuhang mananakop para makamit ang kalayaan na hinangad ng ating mga ninuno, ay bumalik lang ulit ang lahat sa pagkagapos, mga kababayanan pa mismo ang syang gumagawa nito.
Saan Pa Nga Ba?
Source: kashmirscan.net



Ano nga bang alam niya sa buhay? Sampung taon gulang lang siya, alam ay mag-aral, maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan, manuod ng T.V, tumulong sa gawaing bahay, mga bagay na madalas ginagawa ng mga normal at masaya na mga bata.

Hindi niya alam na sa mundong ito, mas maraming hayop na nag-aanyong tao. Ni hindi rin niya alam na nakapalibot na ito sa paligid niya. Na nagtatago sa gitna ng tinatawag at kinikilala niyang pamilya. Nag-umpisa sa pagtawag sa kanya ng kanyang lolo para maupo sa kanyang tabi, nagtatanong sa mga pangyayari sa eskwela. Dumating sa paghawak sa kanyang balikat, na animong paglalambing ng isang lolo sa kanyang apo. Hanggang sa dumagdag ng dumagdag ang bawat hawak. Sa kanyang dibdib, sa kanyang baywang, hanggang sa umabot sa kanyang maseselang bahagi.

Maraming beses na sinasabi niya sa kanyang sarili na hindi na tama ang mga nangyayari. Bawat hawak na kanyang natatamo, bawat malalaswang haplos, ay sumisigaw siya at nagmamaka-awa para siya ay matulungan. Pero ni isang salita wala siyang nasabi. Pinandidiriha niya ang sarili, iniisip na siya'y madumi at wala namang maniniwala sa katotohanan ng isang batang babae tulad niya. Ano nga naman ang laban niya sa taong mas nakakatanda sa kanya lalo na't kasama ito sa tinatawag niyang pamilya? Saan pa nga ba siya hihingi ng tulong? Kung ang tinuturing niyang pamilya ang mismong bumaboy sa pagkatao niya?

Saan pa nga ba?
Takot


By Rivas Chavez


Sasampa siya sa sinasakyan mong jeep. Luluhod siya sa 'yong harapan. Pupunasan ang iyong sapatos. Hahagikgikan siya ng ilang kasakay mong kolehiyala. Lalakad siya nang paluhod hanggang sa dulo ng upuan. Babalik sa iyong harapan na naka-mwestra ang palad nang pahingi. Nakatitig siya sa'yo. Pero di mo siya kayang tingnan. Nasa isip mo, "Baka ipang-rarugby mo lang!"
Magmamatigas ka sa iyong pagdadamot. Ipipilit mong tama lang pagbalewala sa mga katulad niya dahil nasa malapit lang ang hardware na mapagkukunan ng rugby. Makikiisa ka sa hagikgikan ng mga kolehiyala sa likod ng isip mo kahit nakasimangot ang mukha mo.
"Huwag bigyan para di mamihasa."

Bababa siya ng jeep na walang napala at muling magbabakasakali sa ibang jeep. Ito ang bersyon niya ng paglakad nang paluhod sa simbahan. Nagdarasal din siya sa loob-loob niya...

Wala sa mabalahibong mga braso ang tunay na nakakatakot. Wala sa matatalim na pangil. Wala sa nakakadiring mga agnas-sugat. Wala sa badhair day ni Sadako. Wala sa mga nanlilisik na mga mata ang tunay na nakakatakot.

Ang tunay na nakakatakot ay ang takot na maranasan ang hirap ng iba. Ang tunay na nakakatakot ay ang kalam ng sikmura. Ang maging madungis sa publiko. Ang magmakaawa sa mga taong hindi mo naman kaano-ano. Hindi ang anak ng Grudge na nagma-meow, kundi ang batang kumakalabit sa'yo para sa piso habang naghihintay ka ng masasakyan sa highway. Ang batang nanunuod sa bawat kagat mo ng burger sa likod ng salamin ng fastfood. Kaya malimit na hindi mo sila kayang titigan. Ganon ang tunay na kilabot. Nakakapagtakip ka ng mga mata sa mga horror na palabas at mapapatili, pero sa totoo lang, ang sakmal ng tunay na kilabot ay nakakapagpatulala at nakakapangmanhid. Mamumura mo ang manananggal sa bubong, pero napapatahimik ang lahat kapag sumampa na... ang shoeshine boy a jeep...
Icarus

Written by Kevin Mark Rabida



I guess I would never be able to get used to it, being engulfed by the rhythmic sound of soft feathers stretched like something being freed from restraint and the light that radiates, reflecting that of the sun above the both of us, or perhaps they themselves are luminescent on their own.

Her wings, fully extended, spanned a length twice that of her height and could completely cover her body if she willed it, but today she let me admire the rest of her. Midway through her wings were the joints from which juts out small tufts of feather, like cotton but softer and lustrous, and from there they were arranged as the classical artists from before envisioned them, a perfect specimen of the divine proportion. She moved her wings for me as if she was preparing for flight, only slowly and carefully, allowing me to study her movements.

"Are you afraid?" she asked, frowning teasingly. "No," I answered. "Why should I be?"

"A few days ago, you never believed in us."

"I still don't. Not in the biblical sense." I continued studying her wings, admiring every detail and every feather, and feeling the soft linen-like texture that were her means for flight.

"Of course. There is no one up there after all. Only an endless blue of skies and clouds, and a little further, the stars govern everything."

I mmmm-ed in agreement. "If I plucked one of your feathers, what would happen?"

"Have you ever had someone pluck your hair before?"

"Yes."

"Imagine that, only that someone picks a bunch all at the same time."

"I figured."

She smiled. "It's alright though, if it's you." She extended her left wing to my palm and I whispered "Ready?" With her soft "Ouch" I managed to get a plume the length of my forearm. The feather never lost its prismatic radiance even if it was pulled from its source.

"Sorry."

"What are you saying sorry for? It's okay."

The soft wind blew at us and made the tree branches whistle and the grass bend to its direction, as if worshiping their invisible master. The sun shone even brighter, as time passed by, occasionally being obscured by the cumulus clouds above the plateau from which we stood. I could not remember how she and I ended up here but the mystery is defeated by the sense of longing that I felt by looking at her. But I never showed it. I was genuinely curious of what she was and how she looked like an ordinary person.

On second thought, she did not look like an ordinary person. Aside from the wings, of course. I was taller than her by one or two inches. She wore a simple flowing white dress adorned by a ribbon of a shade of blue, the same color of the hair clips that held her copper-reddish-black fringes. She had a dreamy look in her eyes, but a two-second eye contact with her would pierce anyone's core. But perhaps the most noticeable feature of her face were her lips, small and dainty, like a budding rose, and she smiled at me, perhaps detecting that I am staring at them.

"Sorry again. I was just...thinking."

"Of my lips?"

"Of adjectives to write in my story." I looked away defensively. "Think of writers as painters, their pens are their brushes, and their paper are their canvasses. A painter looks at his subject carefully, allowing every feature permeate his being—every line and shape, every crease and furrow, every color and texture—and then he transfers it to his canvas. Similarly, I needed to look at my...uhhh..."

"Your?"

"My m-muse." I stammered. That's bad.

"You're very old-fashioned, huh? Then again, you don't use pen and paper. You use your laptop to write. That kinda diminishes your painter metaphor. Stop using that to justify your staring at me."

"It's still the same. In concept."

"Psshh. I could argue against that all day."

"Stop arguing."

"You can't win against me."

I never noticed the yellow-orange light of the day gradually give way to the indigo of evenfall. The sky was like something that came straight from the Van Gogh painting of a starry, starry night. Waves and waves of light gently made their way above us, every so often meeting and merging at a spiral that rivals that of the northern lights.

My mind was filled with questions of whether what I'm seeing is fantasy or reality for a split second until her mellifluous voice eradicated them instantly, along with thoughts of plateaus, and wings, and stars, and angels. Only the two of us existed. During that moment, only the two of us were real.

"Do you know the story of Icarus?" I asked her.

"No, but I would like you to tell me. I like your stories."

"Hmm. So Icarus and his father Daedalus were imprisoned by Minos, the King of Crete, in the Labyrinth that they themselves built. The Labyrinth was made to imprison the Minotaur, a half-human, half-bull hybrid."

"How come that such monster exists?"

"Uhh. Well. Uhm. King Minos' wife was impregnated by the Cretan bull."
"You mean..."
"Yes."
"They had..."
"Yup."
"A bull?"
"Oui."
"How..."
"Don't ask me. Uhh...can I continue the story?"
"Oh. Sure sure."
"So when they were imprisoned—

"Why were they imprisoned in the first place?"

"Because Daedalus gave Minos' daughter Ariadne a ball of string, which she used to help Theseus, the enemy of her father, to enter the Labyrinth and defeat the Minotaur."

"Okay. Please continue."

"So to escape, Daedalus, being the great craftsman that he was, made two pairs of wings out of wax and feathers in order for him and Icarus to escape the Labyrinth. Daedalus told his son to follow his flight path and to not get too close to the sun. Icarus was stubborn, of course. Perhaps he was overcome by the pleasure of flight. Perhaps he enjoyed his wings too much. Perhaps he wanted to get close to the sun. He did not heed his father's advice. Icarus soared, getting closer and closer to the sun, and perhaps too close. The wax melted and feathers came off one by one. He flapped his wings in vain until he had no wings left. There's no other way but down."

"Hmmm. Why are you telling me this?"
"I dunno. Because of your wings, I guess."
"They're not made of wax. They're real."
"I know, but they triggered the thought. What do you think though? Of Icarus?"
"I think he is stupid."
"Is he? Perhaps so. It was an irrational desire. The sun, I mean."
"Mmmm."
"I think I am flying too close to the sun." I stared at her and smiled.
"Meh. You don't have wings."
"Should I make one?"
"Why can't I just give you a lift?"

"Right now, that is possible. What happens, then, when you fly away and leave me? Wax and feather wings are better than none. And I think that Icarus died happily, getting closer to the sun than any other being. If in exchange for having my greatest desire for a few minutes is death, I think I would take it."
"You'll fall."

"I already did. There's no other way but down."

"Can we stop with this line of conversation. I don't know what to say." She was lying on her back with her wings spread underneath and her chest-length hair diffused with the grass around her. "Come here and lie beside me," she said. "Let's look at the stars."

"On your wings?

She nodded.

"That would make you look like a mother hen cradling her chick."

"Shut up. If you don't want to, then fine."

She looked back upwards and I made my move towards her left wing. The moment I lay on her pillow-soft plumes, I was instantly enveloped by her scent that lingered, reminding me of a faraway place, of cold January winds, of late-night bus rides, and Newtons, and fries, and unrequited feelings. I sensed that I would have plunged into oblivion if not for a force that pulled me back. I felt her wings cover me and warmth immediately rushed all over my body. "You're drifting. Don't go. Don't give in to sleep, please. Not yet."

I could feel her right arm over my chest, holding me protectively. I could feel her heart beating on my arm, and her breath on the side of my face. My heavy breathing and heart palpitations gradually came to a calm. The stars overhead still flowed, oblivious of us, indifferent to our existence. Do we even exist?

"We do."
"What?"
"Exist."

I looked to my right and saw her staring back at me. "Did you read my mind?" I asked. "Can you do that?"

"Yes."

She leaned forward and kissed me. Seconds. Hours. Eternities. I didn't care. The world swirled around us, leaves, grass, stars, and all, like a photograph distorted using the Liquify filter in Adobe Photoshop. I drew a blank, until she broke the kiss.

"I didn't think of kissing," I said.
"I did," she replied.
O, wilt thou leave me so unsatisfied?
"'What satisfaction canst thou have tonight?'" She smiled. "'You kiss by the book.'"
"Well, since we are quoting Shakespeare, 'Give me my sin again.'"

It might not be bad at all, sinning. I mean, I'd gladly take hell, if hell even exists, for this...this kiss. It was perfection. Too perfect. How is it that I could speak straight to her, and do so in an I think cool way, when all I could do back then was stammer my responses in our conversations, and get haunted afterwards on the bus rides going home by l'esprit de l'escalier shouting things I should've said and things I should've done. It was like... a dream.

A dream.

The cold wind that blew at us that made the branches whistle over the plateau from which we lay. The sun that radiated, every so often getting obscured by the cumulus clouds. The waves and waves of stars that slowly merge and form a spiral that would rival the northern lights. Her wings of prismatic luminescence that covers me right now. Her hair of copper-reddish-black, her flowing white dress and her ribbon and clips of a shade of blue, her soft lips that gently pressed against mine.

A dream.

The sky fragmented and split into a bipolar entity of cumulus clouds and starry waves. The ground below us vaporized, slowly at first, but gained momentum until all I could see was an oblivion of nothing. The only one that held me to my safety was the angel, until she too evaporated and swallowed by the nothing around us.

"I am your muse, right?" A voice whispered in my ear.
"Always."
I guess I flew too close to the sun. I'm falling. There's no other way but down.

A familiar green ceiling welcomed me as I woke up with a start. It was just a dream. I dreamt of her again, of course. My unconscious were filled with thoughts of her, lately—thoughts that I doubt are even reciprocated. Still, the words flow out like endless rain and stories are born from dreams that never were, and perhaps never will be. The clock on my phone says 2:55 am. I don't know which is colder, the wind that blows through my window or the frigid and empty space inside of me. The cold bothered me. The cold kept me awake.

Wings. Nice touch, my dream-weaver brain. You had me convinced. Almost. Beings with wings would eventually fly away. Your wax and feather wings aren't made for getting close to the sun. And when you fall, there's no other way but down.

Huh.

Why do I have a feather on my lap?