On-the Spot Poem Writing: TEENAGE PREGNANCY
Cee Yu
He touched you,
Caressed you,
With his loving hands,
Feel you,
Tell you,
Everything is fine.
When you trust him,
Give him,
Everything he wants,
And end up with nothing,
But a mask called love.
Where is he?
He's gone.
Forever out of sight.
He runs.
He hides.
Afraid of those tiny hands.
You're confused,
You're young.
You got no one by your side.
In your womb,
You got something,
What else can you do?
What could be the future,
Of that tiny heart inside you?
-----------
ปีเตอร์ กาเบรียล มิแรนดา
Hinihintay ka na ng iyong laro,
Ginusto mo kaya ayusin na ang tayo.
Lumapit ka kaya ikaw ay napalayo.
Masyado kang nabulag sa isang' nagbalat-kayo.
Tinatawag ka na ng bagong pagmulat,
umahon sa daloy na mapagpanggap,
alisin ang takot at simulan ang paglakad.
Tapusin na ang agos ng nasirang pangarap.
---------
Princess Calacala
KAPAKANAN BAGO ANG KAPUSUKAN
I
Ika nila'y mapusok ang kabataan
Noon ko napatunayan
Na tama ang kanilang tinuran
'Pagka't ito'y napatunayan ng ating sanlibutan
II
Umuwi nang tumatangis
Tinanong nila kung ano ang nais
Sumagot siya hawak ang lapis
Saka isinulat na "KAILANMA'Y 'DI AKO NAGING WAIS''
III
Si Ina'y nagalit no'ng umpisa
Akala niya'y diploma ang aking dala
Nagulat pa siya sa aking ipinakita
Sa halip na mataas na marka, positibong guhit ang aking ipinrisinta
IV
Naisip kong hindi ko na dapat ilihim at ikahiya
Sa aming ginawa alam kong kami'y nagkasala
Natukso ako kaya ito nagbunga
Munting sanggol tuloy ang resulta
V
Natukso man sa umpisa
May natutunan naman ako sa tuwina
Saludo pa rin ako sa mga batang ina
At hindi nabahag ang buntot na sa madla'y ipakita
VI
Sa pagiging mapusok ng kabataan
Nais ko lang kayong paalalahanan
Ano man ang inyong magpagdesisyunan
Isiping mabuti ang kahihinatnan
VII
Nang sa huli'y walang dapat pagsisihan
Sa panandaliang kaligayahan
Maraming buhay ang maapektuhan
Kaya't unahin ang kapakanan bago ang ating kapusukan
------------
Norven Javarez Soriano
"Inay, Bakit?"
Bakit po ba?
Bakit tila may luha sa inyong mga mata?
Ako'y nakapikit ngunit aking nadarama,
Ang hinagpis na dulot na hindi ko maalala.
Ako po ay inyong binhi,
Sa kalooban ko'y ako ang sanhi,
Ng kawalang pag-asa sa inyo,
Inay, ano pong nagawa ko?
Nasaan po ba ang galit?
Dulot ng iyak kong animo'y biik,
Hinagpis sa natapong gatas na nakasabit,
Inay ko? Inay, bakit?
------------
Precious Jade
kabataan ko ma'y maagang natapos,
at maagang humaharap sa paghihikahos,
ngunit ang buhay ko'y di dito matatapos,
haharapin ang bukas na may supling na nakayapos.
Kaya ang payo ko sa mga kabataan,
sitwasyon ko ay h'wag tularan,
sabihin ko mang ito'y di ko pinagsisîsihan,
iba pa rin pag hawak mo ang 'yong kalayaan.
Kalayaang gawin ang lahat ng gusto,
malayang magsaya at mag-aliw ng husto,
ngunit ang pag-aaral ay h'wag kakalimutan,
'pagkat ito lang ang panghahawakan mong kayamanan.
-----------------
Soulless Blackmamba
Mulat na sa kamunduhan sa murang edad pa lamang,
Tuloy mabilis na naglaho ang pangarap ng magulang,
Makatapos ng pag-aaral at tagumpay ay marating,
Ngunit dahil sa kapusukan, lahat ay nilipad ng hangin.
Dating kariktan ay napalitan ng katandaan,
Biglaang pagiging ina'y di napaghandaan.
Problema'y kabi-kabila, gagawin ay di malaman,
Nag-iisang magtaguyod ng anak na tinakasan ng tatay.
Labis na pagsisisi, gabi-gabi'y umiiyak.
Kinabukasan nilang mag-ina ay di matiyak.
Lalapit sa magulang, tila musmos na kay payat,
Sa kaiisip sa problema, katawa'y humupyak.
Maling pagmamahal na inakala niyang tunay,
Yun pala'y isang anyo ng kalibugan lamang.
Ngayon nasaan na ba, iniwan siya't nilisan,
Gumuhong mga pangarap dahil sa ligayang panandalian.
---------------
Gilyn Labitoria
buhay na puno ng pangarap,
Naglaho sa isang iglap.
isang pagkakamali,
sobra sobra ang pagsisisi.
Sabi nila okay lang, kaya aking sinubukan,
payo ni inay at itay, sadyang kinalimutan.
Nag pa agos sa saya, ligaya ang nadama,
Pag-ibig kasi, palusot na sambit twina.
Ngunit ng nagbunga ang gawang di maganda,
Sobra sobra ang pighati na nadama,
Dinamay pa ang aking pamilya ,
Sa nadamang kabiguan at kahihiyan.
Ngayo'y lumipas na, naglahong parang bula,
Ang minsa'y pagkakataon upang maging matagumpay,
Mahirap danasin ang ganitong kapalaran,
Kaya lagi mong isa isip payo ng magulang.
-------------
Jeffrey Seven Umali
"Nena"
Animo'y langit ang dulot mong saya, noong ika'y pinanganak ng iyong Ina.
Sa bawat sandali'y kalong kalong ka ng iyong Ama, na walang ibang hangad kundi mapabuti ka.
Lahat ng bagay ginawa nila, para lamang sa iyong ikasasaya. at pana'y sabing "anak ika'y mahal namin, naway di maligaw ang iyong landas kapag ika'y nag dalaga".
Lumipas ang panahon at ika'y nag dalaga, Mistulang roses na namumukadkad ang taglay mong ganda.
Ika'y nag hangad ng kalayaan at nag akalang sarili'y kaya mo na. mga payo ng magulang unti unti'y nilimot mo na, sa pag aakalang tunay na pag-ibig ang iyong nadarama.
Ika'y nabulag at nag mistulang isang tanga, ibinigay mo ang iyong pagkababae sa iyong sinisinta.
Tuluyan mong kinalimutan ang mga payo nila, at sa tawag ng laman nagpakaalipin ka.
Dumating sa puntong nalaman mong nagdadalang tao kana, Kasabay nito'y pagkawala ng iyong sinisinta.
Ika'y nagsisi ngunit huli na. O Nena, ika'y biktima ng iyong sariling kapusukan at maling nadarama...
-----------
Christopher Breis
Sa aking minamahal na si Inday.
Sa aking mahal na si Inday.
Para sa iyo 'tong sulat na 'to.
Sa tulang may damdaming malumanay.
Hayaan mong ika'y mapagsabihan.
Kaya pala nung ikay aking kinamusta.
Kulang na lang ay humikbi ka.
Sabi mong parang nahihiya.
Na tatlong buwan na ang 'yong dinadala.
Pinangarap kong ikay makapagtapos.
Maitaguyod mo kami sa paghihikahos.
Para kami ng tatay mo sa susunod.
Ay tumigil na dito sa pagbabalot.
Ipinasyang iluwas ka ng maynila.
Pagsikapan ka namin pagaralin.
Ngunit di mapigilang matulala.
May sanggol na pala ang bunso namin.
Aminin kong ako'y nadismaya.
Pangarap ko sayo'y napunta sa wala.
Ngunit ano pa bang magagawa.
Walang namang anak ang matitiis ng ina.
Anak sakin di matatanggi.
Nalaman mong totoo ang aking bilin.
Na lagi mong malalaman sa huli.
Ang dindanas mo ngayong pagsisisi.
Hindi lahat alam ng batang tulad mo.
Kasi sa mundo'y laganap ang tukso.
Gaya ng laging sayo'y pinapayo.
"Papunta ka palang, pabalik na ako"
----------------
Erin Villanueva Ragudo
Sawsaw-suka, mahuli..TAYA!
Oy, taya! Haha, mabagal ka kasi!
Madudungis na daliri at may ngiti sa mga labi,
Larong dutdutan sa palad panlibang nila sa sarili.
Sawsaw-suka, mahuli...TAYA!
Ikinuyom ang palad upang daliri’y mahuli niya,
kumikislap ang mga inosenteng mata,
Para hindi mataya, nag-iisip ng taktika.
Sawsaw-suka, mahuli...TAYA!
Iba na ang sinasawsaw, iba na ang dinudutdot.
Kakaibang kislap ng mata habang nakahiga sa kamang umuungot,
Walang alam na taktika kaya huli na nang humugot.
Sawsaw-suka, mahuli...TAYA!
Pagiging batang-ina ay di katatawanan,
Winasak ng kapusukan kanyang kinabukasan,
Anak niya ay umuuha magdamagan
walang siyang maipasuso pagka’t ama’y nag-DOTA na naman.
Ang batang-ina nakayupayop sa hamba ng pintuan,
mga luha sa kanyang mga mata’y kumikislap at nag-uunahan,
mga tagpong nagdaan sa isip ay binabalikan,
habang kanyang anak ay ngumangawa pa rin sa higaan.
Pinunasan nya ang luha, anak ay nilapitan,
silang mag-ina, nanood sa mga batang nagtatakbuhan.
Sa isang sulok may batang babae at batang lalakeng nagtutulakan,
"Nahuli na kita! Walang dayaan!"
"Sige na nga, game na uli! Walang iyakan!"
Ibinuka ni babae ang kanyang palad ng marahan,
sabay nilang sinambit mga salita ng nakaraan,
"Sawsaw-suka, mahuli..."
-----------------
Aprille Celine Gelogo
"Laro"
Bahay-bahayan nilaro mo,
Di naglaon ito'y tinotoo.
Munting hiyas, iyong ibinukas,
Sa'yong katotong walang habas.
Dalawang buwan lumipas,
Buwanang dalaw di namalas,
Lumapit sa eksperto,
Ikaw ay nagdadalang-tao.
Nagdaan tatlong buwan,
Iba na ang hugis ng balakang,
Nakahalata na si Ina,
Nagalit na rin si Ama.
Ika'y may gatas pa sa labi,
Ngunit wala akong masabi,
Ika'y nagbigay-buhay,
Sa isang batang walang malay.
Hindi na pwede pang balikan,
Pagkakamali ng nakaraan,
Kaya kung magagalit,
Wag ibunton sa paslit.
Pag sinita ng magulang,
Sila'y wag mong pagdabugan,
Aba hijah, ginusto mo yan!
Isama na rin ang iyong katipan.
Sa'yong magulang kumakapit,
Sila man ay gipit na gipit,
Kailangan nyo'y ibinibigay,
Kahit ano pa man ang lagay.
Iyong lingunin mga tutulong sa'yo,
Higit sa lahat, ang mga magulang mo.
Kundi dahil sa kanila'y 'di malalagpasan,
Lahat ng hirap na pagdaraanan.
------------
Seth Marfilla Camento
Di nga natin maaamin,
At huli na nga ang lahat.
At hindi pa nga talaga handa-
Emosyonal, Pisikal, Pinansyal,
Na maagang bumigay,
Sa tibok ng puso,
Sa init ng katawan,
At sa kaligayahan ng kabataan.
Ngayon, maamin pa kaya
Na minsan nang nangarap
Ang ngayo'y inang tulad mo,
Na matupad ang lahat
Pero sa isang iglap,
Sa isang gabi,
Bigla na lang mawawala.
Oo nga pala, naisilang na
Ang anghel na biyaya ng maykapal,
Biyaya nga kaya, o bunga
Ng pagkakamali
Ng kawalang kaalaman
Ng maling tiwala
Habang ang iyong ina
Umiiyak sa sakit na dinaranas mo,
At napapangiti sa pagsilang ng apo.
Wag mo nang sayangin pa
Dahil sa isang beses na pagkakamali
Ang nadadapa, nakatatayo.
Pero ang nalulunod sa maling pag ibig,
Hindi na nakakalangoy nang pabalik pa.
"Bagong Ina"
-----------
Marvelyn Boquiren Centino
"Isang Pagkakamali"
Ang buhay na puno ng pangarap
Na nasira sa isang iglap
Sa isang Temptation na Hindi napigilan
Buhat sa mga murang kaisipan
Nang Sumikat ang bukang liway-way
Sa mga matang mapupungay
Isang sanggol na bagong Silang
Na nasilayan ang mundong ibabaw
Sanggol na dala ng isang pagkakamali
Pagkakamaling Hindi na mapapawi
Na dala ng saglit na kasiyahan
Papunta sa pang habang buhay na kabiguan
----------
Henry De La Cruz
Nakatitig siya sa Kawalan
Ang mga hininga, naghahabulan.
Pilit niyang tinitiis ang sakit.
Nagtatanong kung bakit.
Dugo ay dumadaloy sa kanyang paanan.
Sa sahig nakakalat ang inunan.
Umiiyak at nagsisisi.
Wala na ang bata sa sinapupunan.
Comments/disqusion
No comments