Ako.
Ako ito.
Ako ito si Poldo.
Natatandaan mo pa ba ako?
Itong lalaking matipuno.
Sa naglalakihang kamao.
Ang humasa'y si lolo.
Lumaking akong isang ako.
At nagpumilit lumago.
Sa utak ng mga tao.
"Basta si poldo, Macho!"
Sa ensayo araw-araw.
Kataway di naayaw.
Hanggang sa paglubog ng araw.
At ang pagod ay dumalaw.
Sa mata kong mapanghusga.
Titingnan lamang kita.
Ikaw sa akin ikumpara?
Abay malaki ang ikinaiba.
Ngunit ang liksi at bilis.
Di ko daw nagagamit.
Imbes na tulong ang hatid.
Sa pamilya'y pabigat at pasakit.
Eh di bale nga naman.
Ano pa't naririyan?
Ang malalakas na sigawan.
Ng mga kababaihan.
Habang bata'y magpakasaya.
Tanggalin ang problema.
Sundin ang barkada.
Alak, shabu, marijuana.
At nasanay ako.
Nasanay sa ganto.
Ang paglaki ng ulo.
Nagdulot ng pagkatalo.
Hanggang sa gumanti ang langit.
Kinalaban kong pilit.
Naging tanong ay bakit?
Sunod sunod yaring hapis.
Sa pagtanda ni Poldo.
Di na kilala ako.
Macho, macho ba kamo?
Eh bakit tinatawag na nila akong lolo?
Kayat ngayoy bagsak na.
Katawang hinahanga hanga.
Wala na ring kinaiba.
Sa mga payatot at lampa.
At ngayoy nasan na?
Tinakwil kong pamilya.
Makita akoy maawa kaya?
Ang anak nilang naging aba.
Tumanda akong naging wala.
At malimit nakatulala.
Sa mga utak nila.
"Nakakaawang matanda."
Naaalala mo kaya ako?
Untiunting naglalaho.
Akong ito si poldo.
Ako ito, ako.
Comments/disqusion
No comments