Source: kashmirscan.net



Ano nga bang alam niya sa buhay? Sampung taon gulang lang siya, alam ay mag-aral, maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan, manuod ng T.V, tumulong sa gawaing bahay, mga bagay na madalas ginagawa ng mga normal at masaya na mga bata.

Hindi niya alam na sa mundong ito, mas maraming hayop na nag-aanyong tao. Ni hindi rin niya alam na nakapalibot na ito sa paligid niya. Na nagtatago sa gitna ng tinatawag at kinikilala niyang pamilya. Nag-umpisa sa pagtawag sa kanya ng kanyang lolo para maupo sa kanyang tabi, nagtatanong sa mga pangyayari sa eskwela. Dumating sa paghawak sa kanyang balikat, na animong paglalambing ng isang lolo sa kanyang apo. Hanggang sa dumagdag ng dumagdag ang bawat hawak. Sa kanyang dibdib, sa kanyang baywang, hanggang sa umabot sa kanyang maseselang bahagi.

Maraming beses na sinasabi niya sa kanyang sarili na hindi na tama ang mga nangyayari. Bawat hawak na kanyang natatamo, bawat malalaswang haplos, ay sumisigaw siya at nagmamaka-awa para siya ay matulungan. Pero ni isang salita wala siyang nasabi. Pinandidiriha niya ang sarili, iniisip na siya'y madumi at wala namang maniniwala sa katotohanan ng isang batang babae tulad niya. Ano nga naman ang laban niya sa taong mas nakakatanda sa kanya lalo na't kasama ito sa tinatawag niyang pamilya? Saan pa nga ba siya hihingi ng tulong? Kung ang tinuturing niyang pamilya ang mismong bumaboy sa pagkatao niya?

Saan pa nga ba?

Comments/disqusion
No comments