By Carl Marvin Baltazar
Dambanang sagisag ay pagbabago, sa panahon ng halalan ay syang kinakalembang ng iilan, mga paboritong kanta’y binababoy para pangalanan nila’y tumatak sa isipan ng mga madlang uhaw sa biyayang pinipilit kamitin. Mga dating magkakapartido sila pang nagsisiraan, at kung kaylangan dumanak ng pulang likido kanya nilang gagawin para sa upuang makasalan ay kanila nilang mapanatili. Mga relihiyon ay kanilang nililigawan lahat ng hilingin ay handang ibigay. Pilit na pinapabango ang sarili sa harap ng misang lingguhan, ngunit ito bay talagang nakaugalian o ito’y napilitan lang?. Kapag ika’y walang pinag-aralan at salapi marahil hindi ka paniniwalaan kahit na malinis ang konsyesang gumawa ng mabuti para sa madla. Politka lang ba ang dahilan ng pagbaksak ng ekonomiya ng bansa? O pati ang mga mamamayang patuloy na nagpapauto sa mga mala-anghel na wikain na sa likod ay malademonyong gawain ng mga ganid na politiko? Kahit na alam na natin ang kamalian sa bansang niruyakan ng mga oligarkiyang ganid sa laman ay patuloy parin tayong nabubulagan sa kanilang mga kapangahasang ginagawa. Pagkat takot ang syang namumutawi, walang kakayahang lumaban para sa bansang sinilangan. Umaasa ang lahat na darating ang panahon magbabago ang ihip ng hangin, ngunit paano tayo makaagpas kung walang gumagawa ng paraan para hustisya’y syang makuha. Noon at Ngayon ay walang pagkakaiba. Pagkatapos ng isang madugong laban sa mga dayuhang mananakop para makamit ang kalayaan na hinangad ng ating mga ninuno, ay bumalik lang ulit ang lahat sa pagkagapos, mga kababayanan pa mismo ang syang gumagawa nito.
Comments/disqusion
No comments