Mula tayo'y musmos palang
Ito na ang ating kinalakihan
Lalaking nagsusuot ng daster,
Pisngi'y naka-blush on, Pilik mata'y kinulot ng curler

Lakad nila'y pa-kembot
Puso nila'y malambot
Madalas natin silang pagtawanan
Pero lingid sa ating kaalaman
Na sila rin ay nasasaktan.

Source: Wikipedia


'Baka Lalaki' - Bakla kung susumahin
Minsan naman ay Bading-
Ibig sabihin ang 'Babae Din'

Alam niyo ba?
'duwag' ang tunay na kahulugan ng salitang bakla?

Kung tutuusin, sila ay tunay na matapang.
Matapang upang magladlad ng tunay nilang kasarian
Pilit na hinahanap ang maliit na espasyo sa 'tahanan'
At lakas-loob na humaharap sa mapanghusgang lipunan.

Comments/disqusion
No comments