Ni Jake Mark Capinañes

Hindi alam ni Nene kung ano ang dapat niyang gawin. Kanina pa siya tulala. Nasa harap niya ang isang basurahan, nasa kamay ang isang supot ng Jollibee.

Oxo-biodegradable ang supot ng Jollibee. Hindi man lubusang maintindihan ni Nene ang “oxo-biodegradable,” naisip niya na medyo disenteng lalagyan na ito ng itatapon niya maya-maya.

Tumulo nang dahan-dahan ang mga luha niya. Ni minsan, hindi niya naisip na darating ang ganitong pagkakataon sa mura niyang edad na 16. Sa isip kasi niya, haharutin siya at iibigin at magkakatuluyan sila ng kanyang boss na napakagwapo at napakamacho. Sa isip kasi niya, they will live happily ever after.

Oo, kasambahay si Nene sa mansyon nila Marcus Raven Knife Stainless-Steel. Si Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife, ay ang tagapagmana ng Stainless-Steel Corporation—isang manufacturing corporation ng plastik—na pagmamay-ari ng mga Stainless-Steel, ang pinakamayamang angkan sa Pilipinas.

Napakagwapo ni Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife. Sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral ay pinagkakaguluhan siya. Pagbaba pa lang ng limousine, nakaabang na sa kanya ang mga sumisigaw na mga hindot niyang fans sa school nila. Kadalasan, sa sobrang gitgitan at dami nila, hindi na maintindihan ang kanilang pinagsisigawan dahil ang iba ay sumisigaw ng “Marcuuuuuuus!” ang iba ay “Raveeeeeeeen!” ang iba ay “Kniiiiiiiiiiiiiiife!” at ang iba ay “Punyetaaaaaaaaaaa naipit ako!”

Ang hindi alam ng nakararami ay bakla talaga si Marcus, na pwede ring tawaging Raven, na pwede ring tawaging Knife. Gayunpaman, lider pa rin siya ng mga gangster sa school nila na may grupong tinatawag na “Glitter Bladez.” Malalaman mo ang mga miyembro nito sa suot nilang pulang bandana na binudburan ng glitters.

At dahil nga doon, kahit anong landi ang gawin ni Nene, ay hindi siya magustuhan ng boss niya.



Minsan isang hapon sa gate ng mansyong nakatirik sa mamahaling subdivision na pagmamay-ari rin ng mga Stainless-Steel, habang umiiyak si Nene, nilapitan siya ni Dodong. Si Dodong ay ang engliserong kapitbahay nilang pedicab driver na matagal nang lihim na umiibig sa kanya. Kung bakit may pedicab driver silang kapitbahay sa mamahaling subdivision na kinatitirikan ng mansyon ng mga Stainless-Steel, ‘di ko rin alam.

“Why are you crying, Nene?” tanong ng binata.

“Ay, wala, nagbalat kasi ako ng patatas, este, sibuyas,” sagot ni Nene.

“Would you, you know, let me peel your potato? If you know what I mean…”

Napakabilis ng mga pangyayari, kasing bilis ng diskarte ng mokong na si Dodong. Hindi na namalayan ni Nene na nasa Sogo na pala sila. At dahil nga desperado na si Nene na magkaroon ng tinatawag niyang “pag-ibig,” hinayaan niya na lang si Dodong sa kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya. Katulad ng pagkapunit ng bawat hibla ng kanyang pinapangarap na pag-ibig mula sa kanyang amo, napunit rin, sa unang pagkakataon, ang kanyang… you know.

Hinihingal pa sila nang matapos ang ginawang milagro. “Can we do it again?” tanong ni Dodong.

“We’ll find ways,” sagot ni Nene.

“Naks, it sounds like the tagline of BDO.”

“Hihi, basta i-withdraw mo lang always.”

At naulit pa nga, not once, not twice, but many times ang milagrong ‘yun. Ngunit nangyari ang ‘di inasahan ni Nene (pero alam kong inasahan mo na). Nabuntis siya ni Dodong.

“Dodzkibebe, I’m delayed much. Baka preggy me.” text niya kay Dodong. Pero ‘di siya ni-replyan ng mokong.

At ‘yun nga, ‘di siya pinanagutan ng binata. Tumakas si Dodong. Balita niya’y nag-abroad daw ito nang naka-pedicab lang.

Ilang buwan din ang nakalipas, at heto na si Nene, nasa kwarto niya. Hindi alam ni Nene kung ano ang dapat niyang gawin. Kanina pa siya tulala. Nasa harap niya ang isang basurahan, nasa kamay ang isang supot ng Jollibee.

“Anak, pasensya, ipapalaglag kita,” sinabi niya habang humihikbi, hinihimas ang tiyang lumobo.

“Baka tinatanong mo kung sino ang ama mo? Dodong ang pangalan niya. At dahil Dodong at Nene ang mga pangalan ng magulang mo, ‘Doneneng’ ang ipapangalan ko sa ‘yo. Ang ganda ng pangalan mo, anak. Hindi mo man masisilayan ang mundo, ang importante ay may pangalan ka. May kumilala sa ‘yo.”

Walang anu-ano’y sinaksak ni Nene ang tiyan. Hiniwa. Dahan-dahang dinukot ang bata sa sinapupunan. Nilagay niya ang bata sa supot ng Jollibee at itinapon sa basurahan.

Dumanak ang dugo mula sa kanyang tiyan. Lumuha si Nene. Dumanak ang luha, lumuha ng dugo…

Ilang minuto pa, nakonsensya ang dalaga. Napagtanto niya ang karumal-dumal na kasalanang ginawa. 

Kaya kinuha niya ulit sa supot ang bata. Tinangkang ibalik sa sinapupunan. Pero, napakahirap ikabit muli ang isang bagay na dating tagapagdugtong kapag pinatid na ito. Lalong-lalo na kung ito ay umbilical cord.

Dumanak ng dugo. Dumanak ng dugo…

Wala na ngang pag-asa. Kaya habang dumadanak at nakakalat ang dugo sa sahig, niyakap na lang ni Nene ang mga bagay na pinapahalagahan niya sa kanyang buhay: ang kanyang koleksyon ng mga libro ng idolo niyang si Marcelo Santos III.

“Sayang,” sabi ni Nene sa sarili sa kanyang mga huling hininga, “hindi ko na maabutan ang movie adaptation ng Para sa Hopeless Romantic…”

Comments/disqusion
No comments