By Marcelo Santos VII
Kamusta pag-ibig mo? Di ko na lng tatanungin kung kamusta yung nanay mo. Balita ko nagtatrabaho
siya para sa pantustos sayo? Tara samahan kita bumili ng libro. Nabasa mo naba yung libro ni Jose Rizal?
Ako? Di ko mabasa kasi di ako nakapag-aral. Kasi mahirap lang kami, Pinapahirap pa ng gobyernong makati, Ang kamay at inuuna ang sarili kapakanan. Pero humihiling na iboto ng mamamayan. Naniwala naman kami kasi maganda yung pag-kasabi, Ayun tuloy nakatira lang kami sa kalye!
Pero ok lang kasi buhay pa naman, kakayod na lng ako kahit saan-saan. Sana walang huminto sa aking ha-
rapan, Yung may dalang kutsilyo at baril na kawatan.Ano ba yan, Nagkukwento na naman ako, pasensya na di ko lang masabi sa mga magulang ko. Parati na lang kasi silang nag-aaway eh, bat ba daw ipinanganak pa kami. Alam mo ang swerte mo, mahal ka ng magulang mo. Sana di na lang kami mahirap noh? Para sabay tayo bibili ng libro. Kaya ikaw sana magpakabait ka, para yung iba tutularan ka. Ayo ko kasi na matulad kayo samin, Di mo yata kasi kaya kumain lang ng hangin. Sana di nyo sayangan yung karangyaan nyo, Dahil pinangarap yan ng libo-libong tao.
Ito lng yung ikinakatakot ko, na dumating ang araw na ang sinasaing mo ay libro ni Marcelo.
Kasi yung utak mo natatapakan mo na, dahil sa sinabi nyag "Pakatatag tayo ha." Binigyan ka ng utak para gamitin yan. Wag kang magbasa ng mababaw ang laman. Wag kang mag-alala sakin ha? Ipagdarasal kita, pati itong bansa natin na sabi nila maganda. Sana gumaling na ang may sakit na mga tao. Sana wala ng krimen ang gugulo sa kanto. Sana humupa na ang away sa mundo, At wag kang magpakalunod sa mababaw na libro.
Teka lang, may napansin lang ako. Bat ba magkatunog sa dulo yung mga sinasabi ko?
Ito ba yung tinatawag nilang RHYME?
Pasensya na wala na akong TIME!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Comments/disqusion
No comments