Aalis sana
tayo ng eight para maaga.
Naging
alas diyes kasi tinaghali ka.
Three pm
na nang makaligo ka
Kaya alas
sais na kita nakita.
Green ang
inisip mong isuot kanina.
Pero
napako ang mga mata sa pula.
Yellow ang
t-shirt na kinuha,
Pero
dumating kang naka- lila.
Nahalinang kumain ng adobo,
Natakam ka
rin sa menudo.
Naglaway
sa sabaw ng pochero
Pero
itinuro kay "Ate" ang mechado.
Pinanghawakan ang mga salitang
"Pag-iisipan ko"
Nagalak
nang sabihin mong "Oo."
Kinabahan
sa pagsabi ng "Teka!"
Naglupasay
sa sagot mong "Hindi na."
Pwedeng
pagpasensiyahan, kayang pagtiyagaan
Ugali mong
pabago- bago ng isipan.
Sadya nga
lang mahirap ispelengin,
Ang pag-
ibig mong...balisawsawin.
Comments/disqusion
No comments